Alam mo ba kung paano makakalimutan ang dati
mong minahal? You need to find a new love. If that new love is true, then
magiging bahagi na lamang ng iyong nakaraan ang dati mong pag-ibig. Pero hindi
naman ibig sabihin na kaya ka natututong magmahal ng bago dahil nakalimutan mo
na ang taong una mong minahal. It’s just that, nagmahal ka ng bago kaya
natutunan mong kalimutan ang nararamdaman mo sa taong una mong minahal. Only
love can heal a heart that was hurt by love.
Napatingin ako sa babaeng bigla nalang
pumasok. Nakangiti siya habang binabati ang mga kakilala niya dito pero
nakikita ko sa mga mata niya na hindi naman siya ganoon kasaya. Napangisi
nalang ako. Kaya ako ayokong mainlove dahil para sa akin walang kwenta ang
salitang iyon.
“Andito nanaman pala si Jana. Mukhang
hinihintay nanaman niya ang asawa niya ah?” napatingin ako sa bestfriend kong
si Mark. Magkakasama kami ngayong magbabarkada sa isang fast food chain na
madalas naming tambayan. Summer break na namin kaya naman kahit anong oras ay
gumigimik kami.
“Sino ba yan?” tanong ko sa kanya.
“Ah si Jana Tanga!” at nagtawanan silang
lahat. Napailing nalang ako at pinagmasdan yung babaeng tinatawag nilang Jana.
Tahimik lang siyang naghihintay doon pero napakunot ang noo ko ng makita ko ang
isang pasa sa may braso niya. Tinakpan niya iyon kaya napatingin ako sa kanya
na nahuli pala akong tinitignan siya. Ibinaling ko nalang ulit ang atensyon ko
sa mga barkada ko na nagkakatuwaan.
“Matanda lang yan ng dalawang taon sa atin
pare. Nabuntis ng asawa niya kaya pinakasalan.” Paliwanag sa akin ni Mark.
“Sige pare!” nagpaalam na kaming lahat sa
isa’t isat. Kasabay ko si Mark sa pag-uwi dahil magkalapit lang naman ang bahay
namin. Habang naglalakad kami ay may napansin akong babae na nakatayo sa may
puno. Napahinto ako at tinignan iyon. Si Jana.
“Mark mauna ka na sa akin!” sigaw ko at
tumakbo papalapit kay Jana. Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Mark. Palapit
na ako sa kanya at napansin kong namumula ang mukha niya. Marahil dahil na rin
sa init ng araw. Bago ko siya puntahan ay pumasok ako sa isang convenience
store para bilhan siya ng tubig.
“Oh” napatingin siya sa akin ng iabot ko sa
kanya ang tubig. Nag-iwas ako ng tingin. Ano
ba kasi sa tingin mo ang ginagawa mo? At kailan ka pa natutong nakialam sa
babae? Sabi ng isang bahagi ng isip ko.
“Salamat.”
“Hanggang ngayon ba hinihintay mo pa ang asawa
mo?” tanong ko. Mapait na napangiti lang siya sa akin.
“Kapag mahal mo ang isang tao, kahit ano
gagawin mo para lang sa kanya. Lahat sila sinasabihan na ang tanga ko daw pero
wala akong pakialam. Ganun naman talaga kapag nagmahal ka diba? Handa kang
maging tanga?” tumingin siya sa mata ko. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na
lamang tumibok ng mabilis ang puso ko at para bang siya lang ang nakikita ko.
“I’ve never been in love. At hinding hindi ako
maiinlove.”
“Wag kang magsalita ng tapos. Malay mo,
nagmamahal ka na pala hindi mo lang alam dahil lagi mong sinasabi sa sarili mo
na hinding hindi ka magmamahal.”
“Kung ganon, kasama ba sa pagmamahal na iyon
ang hayaan ka nalang na saktan ka hindi lang emosyonal kundi pati pisikal?”
napatingin siya sa akin. Nakatingin lang ako sa pasa niya na agad niyang
itinago. Pilit kong kinuha ang kamay at ganun nalang ang gulat ko ng makita ang
napakalaking pasa sa braso niya. Magsasalita pa sana siya ng may humintong
kotse sa harap namin.
“Jana!!!” sigaw nito. Mabilis namang kumawala
sa akin si Jana at sumakay sa kotse. Hindi tinted ang kotse kaya nakita ko kung
paano siya sampalin ng lalaking iyon na marahil ay asawa niya. Mabilis niyang
pinaharurot ang kotse at naiwan ako doon at nagiisip tungkol sa sinabi niya sa
akin.
“Wag kang
magsalita ng tapos. Malay mo, nagmamahal ka na pala hindi mo lang alam dahil
lagi mong sinasabi sa sarili mo na hinding hindi ka magmamahal.”
Buong gabi kong iniisip ang sinabi niya iyon.
Gusto kong alisin siya sa isip ko pero paulit-ulit kong naririnig ang boses
niya at dahil doon ay hindi na ako nakatulog pa. Bumaba na ako at nagulat pa si
Mama ng makitang maaga akong nagising. Hindi ko nalang siya pinansin at lumabas
ng bahay.
Naisipan kong maglakad-lakad muna. Masakit ang
ulo ko dahil wala akong kahit na anong tulog sa kakaisip sa sinabi sa akin ng
babaeng iyon. Iniisip ko rin kung ayos lang ba siya at baka kung ano na ang
ginawa sa kanya ng asawa niya.
“Arrghhh!!! Bakit ko ba siya iniisip?!!!”
Naupo nalang ako sa may malapit sa dagat. Pumulot ako ng bato at ibinato iyon
sa dagat.
“Hey!” napatingin ako sa nagsalita at nagulat
nalang ako ng makita ko si Jana.
“Malapit ka lang dito?” tanong niya habang
umuupo sa tabi ko. Tumango lang ako sa kanya.
“Jana” sabay lahad sa kamay niya. Tinignan ko
iyon. Imbes na makipagkamay sa kanya ay hinablot ko iyon at tinignan. Andun pa
rin ang pasa niya. Tinignan ko ang isang kamay niya, meron din pero maliit
lang. May sugat din siya sa gilid ng labi niya at namamaga ang kabilang pisngi
niya. Napabuntong hininga ako.
“Mahal mo nga siya para hayaan mo siyang
saktan ka ng ganyan.” Napangisi nalang ako sa kanya. Pumulot ako ng bato at
muling itinapon sa dagat.
“Masaya ka ba sa kanya?” tanong ko. Mapait na
ngumiti siya sa akin.
“Anong pangalan mo?” tanong niya.
“Liam”
“Ano ba ang ibig sabihin ng masaya para sayo
Liam?” napakurap ako. Ano nga ba ang ibig sabihin ng masaya? Yun ba yung kapag
may nadulas sa harap mo ay tatawanan mo? Yun ba yung kapag may nagjoke ay
tatawa ka?
“Hindi naman ibig sabihin na tumatawa ang
isang tao ay masaya siya.”
“Kung ganon hindi ka masaya sa kanya?”
“Natutuwa ako kapag nakikita ko silang
magkasama ng anak ko.”
“Hindi mo sinagot ang tanong ko.” Unti-unti ay
naglandas ang luha sa mata niya.
“We used to be happy. Pero simula ng mabuntis
niya ako at pinilit siyang ipakasal sa akin ay nakalimutan ko na kung paano ba
ang maging masaya. Ano bang pakiramdam noon?”
“Hindi ko din alam.” Buong buhay ko akala ko
masaya ako pero mali pala. Kontento lang ako pero hindi ako masaya dahil alam
kong may kulang. Iyon ba ang sinasabi ni Jana na pagmamahal?
“Bakit hindi tayo gumawa ng masasayang
alaala?” napatingin ako sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin kaya lalong bumilis
ang tibok ng puso ko. Lumapit ako sa kanya at mabilis na hinalikan siya sa
labi. Halata sa mukha niya ang gulat.
“I will make you feel the happiness that he
didn’t gave you.” Ngumiti siya sa akin at siya na mismo ang muling humalik sa
akin.
From that day, our love affair started. Sa
tuwing wala ang asawa niya ay pumupunta ako sa bahay nila at doon ay gumagawa
kami ng masasayang alaala. Sa loob ng isang buwan ay ganoon lang kami lagi. Ngayon
kasalukuyan siyang nagluluto habang nilalaro ko ang anak niyang si Julius.
Tuwang tuwa ako sa batang ito dahil parang male version siya ni Jana.
“Liam!” tawag niya sa akin. Wala nanaman ang
asawa niya at hindi din niya alam kung nasaan siya. Lumapit ako sa kanya at nakita
kong inaayos na niya ang hapag kainan.
“Tawagin mo na din si Julius at kumain na
tayo. Mag 7pm na din. Mamaya lang ay uuwi na si Darwin.” Tukoy niya sa asawa
niya. Lumapit naman ako sa kanya at niyakap siya mula sa likod. Napakunot ang
noo ko ng makita ang bagong pasa sa may braso niya.
“Liam.” Pigil niya sa kamay ko ng akmang
hahaplusin ko ang pasa niya
“Kailan mo siya iiwan?” tanong ko at isiniksik
ko nalamang ang mukha ko sa leeg niya.
“Alam mong hindi ko siya pwedeng iwan Liam.
Paano nalang si Julius?”
“I can be his father. Handa kong gawin iyon
iwan mo lang ang asawa mo. I love you Jana.” Nagulat siya sa sinabi ko. Maging
ako nagulat sa sinabi ko. Bigla nalang iyon lumabas sa bibig ko ng hindi ko
namamalaya. I love her.
Siguro tulad na rin ng sinabi niya noon,
nagmamahal na ako ng hindi ko nalalaman pero ngayon alam ko na mahal ko na
siya. Iniharap ko siya sa akin at hinalikan siya ng mariin sa labi. Hindi tulad
ng unang halik na pinagsaluhan namin noon, ngayon ay binuhos ko sa halik na ito
ang nararamdaman ko sa kanya.
“I love you.” ulit ko sa sinabi ko. Ngumiti
lang siya sa akin.
“Hiwalayan mo siya Jana. Hindi ka niya mahal.”
“Pero mahal ko siya.” nakaramdam ako ng sakit
sa sinabi niya. Ako na ang kasama niya araw-araw at hindi tulad noong una ko
siyang nakita, nakikita ko sa mga mata niya na totoong masaya siya. We found
the true meaning of happiness in each other pero ang lalaking iyon pa rin ang
pipiliin niya?
“Ako? Ano ba ang nararamdman mo para sa akin?
We kissed! And I can feel that you love me too!”
“I love you too Liam pero hindi iyon katulad
ng pagmamahal ko kay Darwin! Siya ang ama ng anak ko!” Hindi ko napigilan at binasag
ko ang basong nahagilap ko.
“Hindi porket siya ang ama ng anak mo ay mahal
mo na siya! Kung wala ba si Julius mamahalin mo pa rin siya?!!” natahimik siya
sa sinabi ko.
“Jana, si Julius lang naman ang dahilan kung
bakit nananatili ka sa relasyon ninyo. Kaya kong higitan ang ginagawa niya para
sa anak ninyo” napaiyak nalang siya.
“Natatakot ako. Natatakot ako na baka kapag
nakipaghiwalay ako sa kanya ay kunin niya sa akin si Julius.”
“Hindi ko hahayaang mangyari iyon.” Niyakap ko
siya ng mahigpit at hinayaan lang na umiyak siya sa dibdib ko.
“Sino yan?” biglang nanigas si Jana habang
yakap ko. Ako rin ay bigla nalang kinabahan. Kumalas siya sa akin at humarap sa
asawa niya.
“D-darwin?”
“Lalaki mo?” lumapit siya sa akin pero
pinigilan siya ni Jana. Dahil doon ay bigla nalang siyang itinulak dahilan
upang masaldak siya sa sahig.
“Jana!” akmang tutulungan ko siya pero
hinawakan ng asawa niya ang kwelyo ng damit ko.
“Umalis ka na bago magdilim ang paningin ko.”
tumingin ako kay Jana at tumango lang siya sa akin. Lumabas ako ng bahay nila
pero muling lumingon ng marinig ko ang sigaw ni Jana. Pupuntahan ko sana ulit
siya pero pinili kong umalis. Babalik ako at kukunin siya.
“Ang tanga mo kasi pare. Maiinlove ka nalang
sa may asawa at mas matanda pa sa atin. Pwede naman doon sa cheerleader sa
school natin na patay na patay sayo.” Nasa bahay si Mark at nasabi ko sa kanya
ang tungkol sa amin ni Jana.
“Baka naman naaawa ka lang sa kanya?” tinignan
ko lang siya ng masama.
“Alam ko ang pakiramdam ng awa at alam ko sa
sarili ko na hindi awa ang nararamdaman ko sa kanya. Mahal ko siya.” nagkibit
balikat nalang siya.
“Bagay kayong dalawa. Pareho kayong tanga.”
Napapailing nalang siya. Imbes na mainis ay napangiti nalang ako sa sinabi
niya.
“Malapit na ang pasukan. Anong balak mo?”
napaisip naman ako. Sa oras na hiwalayan ni Jana si Darwin gusto kong pakasalan
agad siya.
“Hindi na siguro ako papasok ngayong darating
na pasukan. Maghahanap nalang ako ng trabaho.” Mahina akong sinuntok ni Mark.
“Tanga talaga!” natawa nalang ako sa kanya.
“I filed an annulment.” Nagulat ako sa sinabi
niya. Nandito kami ulit sa bahay nila. Wala si Julius dahil dinala daw siya ni
Darwin para ipasyal. Nakaupo lang kami sa may couch habang nakabukas ang tv.
Siya nanunuod habang ako ay nakadantay lang sa balikat niya at nakapikit.
“Talaga?” hindi makapaniwalang sagot ko.
Tumango lang siya sa akin kaya naman nayakap ko nalang siya ng mahigpit.
“I love you! Sisiguraduhin ko na hindi mo
pagsisisihan ang ginawa mo. Maghahanap ako ng trabaho para sa inyo ni Julius.”
Humiwalay siya sa akin at tinignan ako na nakakunot ang noo.
“Paano ang pag-aaral mo?”
“Mahalaga pa ba yun? Titigil na ako sa
pag-aaral para makapagtrabaho na ako.”
“No. Hindi ka titigil. Mag-aaral ka pa rin.
Ako ang bahala sa anak ko.” hindi na ako nakatutol dahil nakita ko ang
determinasyon sa mga mata niya.
Niyakap ko nalang siya pero napatingin ako sa
legs niya. Nakapalda siya pero dahil sa pagkakaupo ay umangat ang palda niya at
nakakita nanaman ako doon ng pasa. Hinaplos ko iyon.
“Liam.”
“Sinaktan ka nanaman niya.” nasabi ko nalang.
Hinarap niya ako sa kanya at marahan niya akong hinalikan sa labi.
“This will be the last.” Sabi niya sa akin.
Ngumiti naman ako sa kanya. Hinalikan ko ang gilid ng labi niya na may sugat.
Hinalikan ko rin ang braso niya na may pasa pero paalis na at ang legs niya na
may bagong pasa.
“I will kiss away the pain that he always give
you.” hinalikan ko siya sa labi ng mariin. Yumakap naman siya sa leeg ko kaya
binuhat ko siya para kandungin at lumalim pa ang halik namin.
“I love you.”
“I love you too” ito ang pinakamasayang
pakiramdam sa lahat. Ang mahalin ka ng taong mahal mo rin ng lubos. Hinapit ko
pa siya palapit sa akin at bumaba ang halik ko sa leeg niya.
“L-liam” nahihirapang sambit niya sa pangalan
ko. Pinasok ko ang kamay ko sa loob ng blouse niya at hinaplos ang likod niya.
“Room” sambit niya. Tumayo ako at binuhat siya
pataas sa kwart. Agad ko siya dinaganan ng maihiga ko siya sa kama.
“I love you Jana” hindi siya nakapagsalita at
tanging ungol lang ang naisagot niya ng pisilin ko ang dibdib niya.
“Mga walang hiya!!!” napabangon kami ni Jana.
Doon nakita namin si Darwin na halos umusok sa galit. Dali-dali akong tumayo at
nagbihis. Ganun din ang ginawa ni Jana.
“D-darwin” malakas siyang sinampal ni Darwin.
Hindi lang isang beses.
“Tama na!” hinablot ko si Jana at mahigpit na niyakap.
“Hindi na kayo nahiya? Dito pa talaga? Ha
Jana? Malandi kang talaga!!!” akmang kukunin nanaman niya sa akin Jana kaya
naman mabilis ko siya sinuntok dahilan para matumba siya.
“Matagal ko ng gustong gawin yan pero dahil
kay Jana hindi ko ginawa! Kulang pa yan sa pananakit mo sa kanya!” tumayo siya
at ngumisi lang habang pinupunasan ang gilid ng labi niya.
“Kaya ba nakikipaghiwalay ka sa akin dahil sa
lalaking ito?!!” sigaw niya at sinuntok nanaman ako.
“Tama na!” iyak ni Jana. Nakarinig din kami ng
malakas na iyak mula sa may pinto.
“Mama!” iyak ni Julius at akmang pupunta kay
Jana pero mabilis siyang kinuha ni Darwin.
“You will never see your child again.”
“No!!!” iyak ni Jana at hinabol sila palabas
ng bahay. Sumunod ako. Pilit kong kinukuha si Julius mula kay Darwi pero hindi
ko nagawa hanggang sa mawala nalan sila sa paningin namin.
“Liam, ang anak ko.” iyak lang ng iyak si
Jana. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang uncle ko.
Sinamahan nila kami ng mga pulis na kasama
namin upang hanapin sina Darwin at Julius. Isang attourney ang uncle ko kaya
naman sa kanya ako nagpatulong. Dahil tatlong taong gulang palang si Julius ay
sinabi niyang mas may karapatan si Jana sa kanya. Nagsampa rin ng kaso si Jana
laban kay Darwin.
“We will find them.” Bulong ko sa kanya at
hinalikan siya sa noo.
Hindi naman ako nagkamali at nahanap namin
sila agad. Nakulong si Darwin at dahil na rin sa pananakit niya kay Jana noon
ay mas napadali ang pagpapa-annul sa kasal nilang dalawa.
Ngayon ay siya ang kasama kong umakyat sa
stage at kinuha ang diploma ko. Nakatapos na ako ng pag-aaral at pagkatapos ng
tatlong buwan ay mapapasaakin na rin ang babaeng bukod tanging minahal ko. She
will be mine forever.
I never believed in love pero ng makilala ko
siya, pinatunayan niya na totoo ang pagmamahal na iyon. They say first love
never dies. Si Darwin ang first love ni Jana pero just like Romeo to Juliet,
ako ang great love niya. She learn to love me kaya naman naging bahagi na
lamang ng nakaraan niya si Darwin.
I was her number two pero wala akong pakialam
noon dahil kasama ko naman ang babaeng mahal ko. katulad ng sinabi niya noon,
minsan nagmamahal ka na hindi mo pa alam at kapag nalaman mo na mahal mo na ang
isang tao, gagawin mo ang lahat para sa kanya kahit pa ang maging tanga.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento