Dear I don’t know,
Another day passed but still, here I am, hoping that someone will donate a heart for me. Someone will let me survive this pain. Pero hindi ko alam kung dapat akong sumaya sa oras na may magdonate sa akin. Pakiramdam ko ay parang inalisan ko siya ng pag-asa na mabuhay.
Ipinasok ko na ang sulat sa loob ng sobre at inihulog sa mailbox sa tapat ng matandang bahay. Naisip ko kasi na baka pwede kong idaan nalang sa sulat ang mga reklamo ko sa buhay. Noong una ay basta nalang ako naghuhulog doon at walang pake kung may kumuha man sa mga sulat ko pero noong nacurious ako ay binuksan ko ang mailbox at nagulat nalang ako na wala ng laman iyon kung hindi ang nag-iisang sobre. Binasa ko ang likod niya at nagulat nalang ako sa nakasulat.
From: You don’t know
Walang pagdadalawang isip na binuksan ko ang sobre.
For someone who keeps on sending letter to this mailbox,
I don’t know you, but I know someone that has the same disease as you. She’s a very strong, smart and a very beautiful woman that I love very much.
It’s not bad to hope that someone will donate a heart for you and don’t say na inaalisan mo ng pag-asa ang tao na iyon para mabuhay. Donating his/her heart only means one thing, gusto niyang manatili itong tumitibok hindi man para sa taong mahal niya at least para sa taong mahal ng pinagdonatan niya.
Napangiti ako kaya naman simula noon ay nagsimula na kaming magsulatan. Nalaman ko rin na sa Lola pala niya ang bahay na iyon at sa tuwing weekends lamang siya nagpupunta sa lugar iyon. Tuwing weekends nasa ospital ako nagstay para sa mga gamot na kailangan nilang iturok sa akin.
Dear I don’t know,
It’s been a long time na nagsusulatan tayo but I still don’t know your name. My name is Autumn and it’s nice to have a friend like you kahit na hindi pa naman kita nakikita.
“So isa palang magandang babae ang naghuhulog ng sobre na may lamang sulat dito?” napalingon ako sa taong biglang nagsalita. Pamilyar ang mukha niya, para bang nakita ko na siya.
“I’m Marcus yung kasulatan mo. You’re Autumn right?” Maluwag siyang ngumiti sa akin. Napahawak ako sa puso ko dahil naramdaman ko ang biglang pagbilis ng tibok noon. Lumapit siya sa akin.
“Are you okay?” Napatingin ako sa mga mata niya. Pamilyar talaga siya.
“Marco.” Napalayo siya sa akin. Napailing nalang ako. Bakit ba bigla nalang lumabas sa bibig ko ang pangalan ng walang kwentang tao na iyon? Muli akong napatingin sa taong kaharap ko, bakas ang gulat sa mukha niya.
“Sorry, you look like someone I know.” Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi niya.
“Tammy?!” biglang naging blangko ang expression ko. Ibig sabihin ba nito ay tama ang hinala ko?
“I’ve been looking for you! Dito lang pala ulit kita makikita?” napatigil siya ng makita ang walang ekspresyon ko na mukha.
“Tapos ka na ba?”
“Tammy?”
“Hinanap mo ako? Kabaliwan yan Marcus. Sabi mo dalawang taon ka lang mawawala dahil tatapusin mo lang ang pag-aaral mo pero yung dalawang taon mo naging walong taon! Naghintay ako ng walong taon pero walang Marcus na nagpakita sa akin! Ngayon magpapakita ka sa akin kung kailan huminto na ako sa paghihintay sayo?”
“Kinailangan ako ng company ni Dad kaya naman nagtagal pa kami doon ng another 3 years. I emailed you about that. Na kailangan ako ni Dad sa company pero wala akong natanggap na reply. Kaya naman hinanap kita pero wala ka na sa dati niyong bahay.”
“It’s because of my sickness you idiot! Apat na taon pagkatapos mong umalis lumala lamang ang sakit ko kaya naman naisipan nina Mom na lumipat na muna sa Manila para doon ako ipagamot.”
“I’m sorry.”akmang yayakapin niya muli ako pero tumakbo na ako palayo sa kanya. Ayoko na siyang makita. Kinalimutan ko na siya tapos babalik nanaman siya? Umiiyak lang ako habang nakasakay sa taxi. Nakahawak na rin ako sa dibdib ko dahil sa nahihirapan na akong huminga.
“Ayos ka lang miss?” tanong niya sa akin pero hindi na ako makasagot dahil ramdam ko na rin ang panlalabo ng paningin ko hanggang sa magdilim na ang buong paligid.
Puting kisame ang una kong makita ng idilat ko ang mga mata ko kaya naman muli nalang akong pumikit. Nandito nanaman ako sa lugar na pinakaaayawan ko.
“Tammy.” Muli akong napadilat ng marinig ko ang boses na iyon. Nilingon ko siya at hindi nga ako nagkamali.
“Okay ka lang ba?” tanong niya sa akin pero nakatitig lang ako sa kanya.
“Bakit ka pa nandito? Anong ginagawa mo dito?”
“Sinundan kita. And nagtaka nalang ako ng dalhin ka ng taxi driver mo sa ospital na ito kaya naman agad kitang sinundan dito.” Umupo na ako na inalalayan naman niya pero agad kong tinabig ang kamay niya at kusang umupo.
“Pwede ka ng umalis.” Pagtataboy ko sa kanya. Napabuntong hininga nalang siya at naglakad na patungo sa pintuan pero agad siyang huminto at muli akong hinarap.
“Before I leave, I just want to tell you that no matter how far I was, how long that I’m not with you, you were always in my mind and my heart. I never stopped loving you for the past 8 years Autumn.” Lumabas na siya sa pintuan habang ako naman ay naiwang nasasaktan. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko upang pakalmahin ang nararamdaman kong sakit hanggang sa mapadako ang tingin ko sa isang box sa may side table ko. Kinuha ko iyon at laking gulat ko na lamang ng makitang ang daming laman na sobre noon.
Dear Autumn,
Tammy, hindi ka nagrereply sa mga email ko sayo, hindi ka na rin nag-oonline sa skype kaya naman naisip ko na sulatan nalang kita. Old way ba? Okay lang yan, umaasa lang ako na baka sakaling sumagot ka kung idaan kita sa old way na to.
Dear Autumn,
I waited for a year pero hindi ka man lang nagreply sa unang sulat ko sayo. Bakit pakiramdam ko unti-unti ka ng nawawala sa akin. Please Autumn, sagutin mo naman ang mga emails at sulat ko.
Dear Autumn,
I emailed you na matatagalan pa bago ako muling makabalik, mukhang hindi ko matutupad yung 2 years dahil kinailangan ako ng Daddy sa company. Hindi ka naman nagreply sa email ko so I decided to write again.
Dear Autumn,
I miss you. I miss you. I miss you. I miss you. I miss you. I miss you. I miss you. I miss you. I miss you. I miss you. I miss you. I miss you. I miss you. I miss you. I miss you. I miss you. I miss you. I miss you. I miss you Tuluyan akong napaiyak sa sulat niya na iyon. Puro I miss you lang ang nakasulat sa buong bond paper at sulat kamay niya pa.
Dear Autumn,
You are driving me insane. Naiinis na ako. Ilang taon mo na akong binabaliwala. Hindi mo na ba ako mahal? Kase ako, ikaw pa rin. I was looking for you everywhere pero hindi na kita makita. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Mahal kita Autumn. Where are you?
Nagulat ako ng magpasukan ang mga doktor at nurses sa loob ng room ko.
“Be ready Ms. Autumn. May nakita na kaming heart donor para sa iyo at ngayon na mismo ang operasyon mo.” Nakangiting sabi sa akin ng doktor kaya naman napangiti na rin ako. At last!
Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Doon nakita ko ang umiiyak na si Mommy na kausap ang doktor habang nakatunggo lamang si Daddy sa isang sulok. Bakit parang hindi masaya si Daddy?
“Dad?” tumingin siya sa akin at agad akong nilapitan. Maging si mommy ay lumapit na rin sa akin. Umiiyak na si Mommy pero bakit pakiramdam ko hindi iyon iyak dahil masaya siya. Hindi ba naging successful ang operation?
“What’s wrong Mom?” sinenyasan naman niya na si Dad nalang ang magsabi dito. Bigla ay kinabahan ako.
“The doktor said successful naman ang naging operation mo.”
“Then what’s the problem?”
“It’s Marcus anak. Siya ang naging donor mo.” Nagsimulang pumatak ang mga luha ko.
“He died last August 8 dahil sa car accident ng malaman niya kung nasaan ka.” Lalo akong napahagulgol sa sinabi niya. August 8? Fuck! Yun din ang araw ng simulan niyang sagutin ang mga sulat ko sa mailbox na iyon! Niyakap nalang ako nina Mom at pilit akong pinapatahan dahil makakasama daw ito sakin pero wala na akong pakialam! May iniabot sa akin kulay asul na sobre si Mom.
From You don’t know:
I told you, kung may magdonate man sa iyo, ibig sabihin gusto nilang manatiling tumitibok ang puso niya. That’s what I want. I want to keep my heart beating for you that’s how much I love you.