"Kapag nawala siya sayo, malalaman mo kung gaano siya kahalaga sa buhay mo."
Yan ang madalas nilang sabihin. Ganoon ba talaga dapat? Hihintayin mo munang mawala siya sayo bago mo siya bigyan ng halaga. Madalas kasi lingon tayo ng lingon sa kakahanap pero hindi natin alam nasa harap lang pala natin ang hinahanap natin. Minsan kailangan mo lang tumingin sa harap mo para mahanap mo ang kasiyahan mo. You won't find your happiness in your past or in the future. You just have to live in the present and your happiness will come to you.
I'm one of the author of the book Heartbreakers published under the PSICOM Publishing. I also write stories on my wattpad account.
Happiness
First Step
Galit. Isang patunay na may epekto pa rin siya sayo. Isang patunay na nasasaktan ka pa rin para sa kanya. Isang patunay na mahal mo pa rin siya. Hangga't na riyan ang galit sa puso mo, kailanman ay hindi ka magiging masaya. Hangga't hindi ka nakakawala sa nakaraan, kailanman ay hindi ka makukuntento sa kasalukuyan. The first step to moving on is to forgive. Alisin mo ang galit sa puso mo dahil iyon ang unang hakbang para makawala ka sa sakit ng nakaraan mo.
Minor na Feeling Major Subject
I'm sure lahat ng estudyante dito makakarelate dito.
Naranasan niyo naman na siguro yung mga minor subjects natin na kung makapagbigay ng requirements eh tinalbugan pa ang mga major subjects natin? I'm a graduating student at kasalukuyan kong nararanasan iyon ngayon. As is at this moment. Sa dami ng requirement na pinapapasa ng kaisa-isang minor subject ko eh nahiya naman daw ang mga majors ko na wala naman pinapapasa na kahit ano maliban nalang sa mga assignments namin.
Yung tipong saturday and sunday na lang nga yung break mo sa mga school works na gagawin pero heto ako, nakaharap sa laptop at ginagawa ang written report namin tungkol sa mga lugar na pinuntahan namin na kailangan naming isubmit bukas. Nakakaloka lang talaga dahil maliban sa writter report ay mayroon pa kaming ipapasa sa iba. Kainis! Feeling major!
Naranasan niyo naman na siguro yung mga minor subjects natin na kung makapagbigay ng requirements eh tinalbugan pa ang mga major subjects natin? I'm a graduating student at kasalukuyan kong nararanasan iyon ngayon. As is at this moment. Sa dami ng requirement na pinapapasa ng kaisa-isang minor subject ko eh nahiya naman daw ang mga majors ko na wala naman pinapapasa na kahit ano maliban nalang sa mga assignments namin.
Yung tipong saturday and sunday na lang nga yung break mo sa mga school works na gagawin pero heto ako, nakaharap sa laptop at ginagawa ang written report namin tungkol sa mga lugar na pinuntahan namin na kailangan naming isubmit bukas. Nakakaloka lang talaga dahil maliban sa writter report ay mayroon pa kaming ipapasa sa iba. Kainis! Feeling major!
Mr. Right
Hi Mr. Right kailan ka ba darating?Alam mo ba yung yung feeling na may kasabay kang couple sa jeep at wala silang ginawa kung hindi ang magswwet-sweetan sa harapan or tabi mo.Kainislangdiba?Taposmaiisipmonalang,"ako kaya, kailan makakahanap ng lalaking masasandalan ko pag inaantok na ako sa jeep? Mr. Right asaan ka na ba? Sana naman gwapo ka since pa-VIP ang peg mo.
Time Machine
Kailan ba
darating si Mr. Right?
Yan ang
madalas itanong ng lahat pero tulad nga ng sabi nila, darating siya kung kailan
hindi mo inaasahan. Kung kailan ka hindi ready. Basta ang kailangan mo lamg
gawin ay maghintay. Pero paano kung hindi mo nagawa ang bagay na iyon? Paano
kung hindi ka naghintay? Paano kung kailan dumating na ang Mr. Right mo e hindi
ka na pwede? Anong gagawin mo?
Natawa ako
sa kanya ng bigla nalang niya akong hilain papasok sa kwarto niya pero laking
gulat ko ng siilin niya ako ng mariin na halik. Nalalasahan ko ang alak mula sa
kanya at hindi rin ito katulad ng halik na ibinibigay niya sa akin. May
pag-iingat at ramdam ko ang pagmamahal sabtuwing hinahalikan niya ako noon pero
itong halik na ito ay marahas at mapusok.
Pilit ko
siyang itinutulak palayo sa akin pero lalo niya lang akong inilalapit sa
kanyahanggang sa maramdaman ko nalang na hiniga na niya ako sa kama.
"Mark.."
Tawag ko sa kanya na parang nakikiusap pero para bang wala siyang narinig.
Buong lakas na
itinulak ko siya pero hindi siya humiwalay sa akin at nanatili lang nakapatong
habang pinagsasawa niya ang sarili na halikan ang leeg ko. Nang marinig ko ang
pagkapunit ng blouse ko ay noon na tuliyang naglandas ang luha mula sa mga mata
ko. At marahil ay narinig niya ang mahihinang hikbi na kumakawala sa aking labi
kaya naman napatigil siya.
"Ina"
tawag niya pero niyakap ko lang ang sarili ko. I can't fucking believe na
muntik na akong marape ng boyfriend ko!
"I'm
sorry" pagkasabi niya noon ay nilabas ko na ang sakit at hinanakit na
nararamdaman ko para sa kanya. Gad! All those months na magkasama kami ay ito
lang ba talaga ang gusto niya?
"Sex
lang ang habol sayo ng gagong yon" isang araw na sabi sa akin ng
bestfriend ko na si Tina. Naikwento ko sa kanya ang nangyari samin boyfriend ko
na ngayon ay ex ko nalang.
"Ang
problema kasi sayo best, sa mga lalaki mo hinahanap ang pagmamahal na gusto mo.
Nandito kami ng mga kaibigan mo na mahal na mahal ka naman at hindi ka iiwan
katulad ng ginawa sayo ng mga lalaking dumadaan sa buhay mo."
Napabuntong
hininga nalang ako. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit hindi magising-gising sa
mga payo ng mga kaibigan kong ito. Mahal ko naman sila at kapag sila na ang
nawala sa buhay ko, hindi ko talaga kakayanin at baka magpakamatay nalang ako.
Katulad ng
iba, ay hindi nanaman kami nagtagal ni Mark. Lagi namang ganito. Ang bilis
bilis kong mafall sa isang tao kaya naman lagi nalang akong nasasaktan. Bakit
ba kasi ang tagal dumating ng Mr. Right ko at laging si Mr. Wrong nalang ang
nakikita ko? Hindi ba pweding magpakita na siya agad kasi baka sa oras na
dumating siya sumuko na ako at takot na akong magmahal pa.
To: Lian
Pahingi naman ako ng katext Lian.
Yan ang text
ko isang araw sa isa rin sa mga kaibigan ko. Actually lima kami sa grupo. Ako,
si Lian, Tina, Marian at Ezza.
From: Lian
Eto. 09*********
Bago ko
tinext to ay tinanong ko muna si Lian kung mabait ba at nalaman ko rin na
kaklase pala niya ito. Base sa paglalarawan niya ay mukhang okay naman siya
kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na itext siya.
To: Rj
Hi
Dahil sa
simpleng text message ko na iyon, nagkaroon ako ng panibagong kaibigan.
Nagkaroon ako ng panibagong kakampi at nagkaroon ako ng panibago kong
mamahalin. Eto nanaman ako. Sumusugal nanaman sa lintik na pag-ibig na walang
kasiguraduhan kung maipapanalo ko ba.
"Natatakot
ako." Isang araw na nasabi ko sa kanya noong lumabas kami.
"Saan
naman?" Tanong ni Reiji sa akin.
"Natatakot
ako na mahulog nanaman sa maling tao. Rj ganun kasi ako. Mabilis akong mahulog
sa isang tao at sa palagay ko nahuhulog na ako sayo." Napahawak ako sa
dibdib ko. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Nakatingin lang siya sa
mata ko pero laking gulat ko ng hilain niya ako palapit sa kanya at siilin ng
matamis na halik. Hindi katulad ng marahas at mapusok na halik ni Mark. Ang sa
kanya ay dahan-dahan at para bang nilalasap ang bawat segundo na magkalapat ang
aming mga labi. At hindi katulad sa tuwing hinahalikan ako ni Mark, naramdaman
ko ang tila mumunting paru-paro na lumilipad sa aking tiyan.
Kasabay ng pagkabuo ng magandang relasyon namin
ni Rj, hindi ko namamalayan na unti-unti na palang nabubuwag ang relasyon
naming magkakaibigan ng dahil sa mga kagagawan ko.
"Best
pasama na kasi sa Florida. Kahit kayo lang ni Lian. Palaging busy sina Marian
at Ezza e." Pakiusap ko kay Tina. Ngayon kasi ang kaarawan ni Rj at dahil
doon naman nag-aaral si Tina ay umaasa ako na sasamahan niya ako at hindi naman
ako nabigo dahil sinamahan nga nila akong dalawa ni Lian na puntahan siya.
"Rj!"
Agad ko siyang niyakap ng makita ko siya. Nakita ko naman na tinanguan niya si
Lian dahil nga magkakilala silang dalawa.
"Best
pweding iwan niyo muna kaming dalawa?" Nakangiting sabi ko sa kanila pero
nawala iyon ng makita ko ang pagrehistro ng inis sa mukha ni Tina. Si Lian din
ay nanahimik. Kilala ko si Tina kapag galit siya at alam ko na galit siya
ngayon.
"Okay"
yun lang sabi ni Tina pagkatapos ay hinila na si Lian paalis. Mali ba ang ginawa
ko? Gusto ko lang naman kasing magkaroon ng quality time kasama ni Rj dahil
hindi kami ganoon kadalas magkita dahil sa sobrang busy niya.
Dahil sa
pangyayaring yun, palagay ko ay nagkaroon kami ng silent war sa pagitan namin
ni Tina. Sa tuwing pupuntahan ko si Rj, hindi na ako muling nagpapasama sa
kanya. Kay Lian nalang ako nagpapasama tutal ay magkakilala at magkaklase naman
sila ni Rj.
Akala ko
noong una ay magiging maayos ang lahat sa aming dalawa ni Rj pero dahil sa
konting time na naibibigay niya sa akin, pakiramdam ko hindi ako ganoon
kahalaga sa kanya. Kaya naman nagsimula akong magdemand ng maraming oras para
sa kanya pero hindi ko akalain na sa pagkakamaling iyon ay mawawala ang isang
napakagandang relasyon.
“Alam mong
hindi ganun kadali iyon Ina! Masyado akong maraming ginagawa sa school at
napakaraming plates na kailangan ko pang tapusin kaya sana naman intindihin mo
iyon!”
“Pero
konting oras lang naman ang hinihingi ko! Antagal na nating hindi nagkikit e.”
kasalukuyan kaming magkausap sa phone at hinihiling ko lang naman na sana
magkita kami kahit sandali lang dahil babalik na ako sa manila bukas.
“Pero hindi
nga pwedi. Nagrarush na ako sa mga plates ko.”
“Lagi ka
nalang plates! Plates!! Nakakainis na! Wala ka ng oras sa akin!”
“Hindi naman
sa wala akong oras!” nanahimik nalang ako at tahimik na hinayaang maglandas ang
luha sa mga mata ko.
“Maghiwalay
nalang tayo.” Pakiramdam ko ay huminto ang oras ng sinabi niya sa akin ang mga
salitang iyon. Gusto kong hilingin na sana nananaginip lang ako pero hindi
dahil ramdam ko ang pagguhit ng sakit sa puso ko na para bang sinasaksak ito ng
paulit-ulit.
“Ano ka ba?
Hindi naman ito joke time kaya wag kang magbiro ng ganyan” pero wala akong
narinig na sagot mula sa kabilang linya. Tanging buntong hininga nalang niya
ang naririnig ko.
“Tulad ng
sabi mo hindi to joke time. Maghiwalay nalang tayo.” Pagkasabi niya noon ay
binaba na niya ang linya.
Kulang ang
salitang masakit para ilarawan ag nararamdaman ko. Akala ko siya na ang Mr.
Right ko pero mali nanaman ata ako. Hindi nanaman ata si Mr. Right ang minahal
ko. Kung meron lang akong time machine, gusto kong pumunta sa future kung saan
nakita ko na ang Mr. Right ko para hindi na ako masaktan ng paulit-ulit sa
present ko.
“Hindi na ba
talaga pwede? Rj!” pagkatapos ng pag-uusap namin sa phone na iyon ay niyaya
niya akong manood ng sine. Akala ko okay na ulit kami pero nagkamali ako dahil nasa
kalagitnaan ng palabas ng hilain niya ako at dalhin sa may malapit sa CR kung
saan wala masyadong tao at doon niya sinabi sa akin na ito na ang huling
pagkikita namin.
“Ina…”
“Please
naman Rj” pagsusumamo ko sa kanya pero nag-iwas siya ng tingin sa akin.
Pinigilan ko ang luhang nagbabadya nanamang pumatak.
“Pwedi ba
akong humingi sayo ng huling regalo?” tinignan niya ako ng nakakunot ang noo.
Kinuha ko ang kamay niya at doon sinabi ang hiling ko sa kanya. Halata ang
gulat sa mukha niya. Pero ganun pa man ay hinila niya ako palapit sa kanya at
hinalikan ako ng mariin sa labi. Ipinikit ko ang mata ko at nilasap ang bawat
sandali na magkalapat ang mga labi namin.
“Are you
sure?” matalim niya akong tinignan sa mga mata ko at hinila ako palabas sa
sinehan na iyon.
“Pwedi bang
manatili yung communication natin?” tanong ko sa kanya habang nagbibihis siya.
Ang tanga ko ba para ito ang hilingin ko? Ang dahilan ng paghihiwalay namin ni
Mark noon ang siyang huling kahilingan na hiningi ko sa kanya. Hindi siya
sumagot at iniwan ako sa hotel na iyon.
Katulad ng
hiniling ko ay nanatili ang komunikasyon naming dalawa. Kahit na nagkaroon
siyang muli ng girlfriend ay nanatili ang komunikasyon namin. Pakiramdam ko na
naging kabit niya pa ako. Bakit nga ba ako ganito Katanga pagdating sa
pag-ibig? Handa kong ibigay ang lahat ng meron ako para lang sa taong minamahal
ko. Naiinis ako sa sarili ko at alam ko naman na maging ang mga kaibigan ko ay
naiinis na sa akin.
“R-rj” gulat
na gulat ako ng isang araw ay puntahan niya ako dito sa tinutuluyan namin ng
ate ko sa Manila. Napatingin ako sa bag na dala-dala niya.
“Can I stay
here for a week?”
Hindi ko
alam kung tama baa ng naging desisyon ko na hayaan siyang manatili dito ng
isang linggo. Napag-alaman ko rin sa kanya na wala na sila ng girlfriend niya
kaya naman nagkaroon ng kaunting saya sa puso ko. Pero ganun nalang ang sakit
na bumalik dito ng makita ko ang profile picture niya sa facebook.
“Sino yung
nasa prof pic mo?” minsang tanong ko sa kanya. Wala na si ate dahil pumasok na
siya.
“Wala.”
Mabilis na sagot niya pero agad nag-iwas ng tingin. Nakaramdamn ako ng galit
para sa kanya pero nangibabaw pa rin ang pagmamahal na nararamdaman ko sa
kanya. Hindi ko siya tinanong ulit kung sino ba ang babaeng kasama niya sa
picture na iyon pero tinanong ko ang mga kakilala niya. Ganun nalang ang gulat
ko ng malamang iyon pala ang first love niya.
“First love
never dies.” Yan ang sabi ng ate ko ng sinabi ko sa kanya ang problema. Umiyak
lang ako ng umiyak habang yakap yakap niya ako.
“Ina,
matagal na kayong tapos. Dapat matagal mo na rin siyang kinalimutan. Nagkaroon
siya ng girlfriend pagkatapos mo. Kung mahal ka talaga niya hindi siya
magkakaroon ng girlfriend. At kung mahal ka talaga niya, wala na ang first love
na iyon dahil ang true love lang ang may kakayahang makapagpalimot sa first
love ng isang tao.”
“Pero mahal
ko siya Ate. At hihintayin ko ang panahon na ako naman ulit ang pipiliin niya
at ako naman ulit.” Hinaplos ni Ate ang pisngi ko.
“Tandaan mo
ito Ina. You’re a choice not an option. Hindi porket wala na ang mga babae niya
ay babalik na siya sayo. Hindi mo ba nakikita? Hindi siya para sayo.”
Pero kahit
ilang payo pa ata ang makuha ko mula sa mga kaibigan at Ate ko ay wala pa ring
mangyayari sa akin. Hahabulin at hahabulin ko pa rin si Rj. Siguro dahil na rin
pinapakita pa rin ni Rj na interesado siya sa akin.
“Here”
napatingin ako sa taong bigla nalang nag-abot ng panyo sa akin. Hindi ko siya
kilala kaya naman hindi ko nalang pinansin pero nagulat ako ng umupo siya sa
tabi ko siya mismo ang nagpunas sa mga luha ko.
“Para sa
isang magandang babae, hindi ka dapat umiiyak.” Nag-iwas ako ng tingin sa
kanya.
“Boy
problem?” hindi ko pa rin siya pinansin aalis na sana ako ng hawakan niya ang
kamay ko at inilagay doon ang panyo niya.
“Kung ano
man ang problema mo, mawawala din yan. Baka hindi mo alam, pagkatapos ng sakit
na nararamdaman mo ang kasiyahang matagal mo ng hinihintay. Maghintay ka lang.”
“Anong
pangalan mo?” tanong ko sa kanya. Hindi
ko alam kung bakit gusto kong malaman ang pangalan niya pero may nagsasabi sa
akin na dapat ko siyang makilala.
“Wright.”
Ngumiti siya sa akin at hindi ko alam pero bakit ganun nalang ang naramdaman ko
ng sabihin niya ang pangalan niya. Para bang matagal ko ng alam ang pangalan
niya iyon. Na para bang nakatatak iyon sa puso ko.
“Aalis si
Rj? Ang gawin mo bago man lang siya umalis ay pagbigyan mo ang sarili mo.
Pakasaya ka kasama siya pero siguraduhin mo na kasabay ng pag-alis niya,
kakalimutan mo siya at mawawala na siya sa buhay mo.” Yan ang sabi sa akin ng
kaibigan kong si Ezza ng sabihin ko sa kanya ang tungkol sa pag-alis ni Rj.
“Pero pano
ko naman gagawin iyon kung hindi ko nga siya macontact? Ni hindi nga niya
sinasagot ang mga text ko e.”
“Ayun naman
pala. Siya na mismo ang pumuputol sa relasyong meron kayo. Oras na Ina para
tumigil ka na. Ina tandaan mo to, si Mr. Right mo, hindi yan hinahanap dahil
siya mismo ang hahanap siya. Maghintay ka lang at dadating at dadating din ang
taong iyon na kung saan ikaw ang choice niya at hindi isang option na
tatakbuhan niya kapag wala na sila ng girlfriend niya.”
Ginawa ko
ang sinabi niya. Nang umalis si Rj ay nagpalit ako ng sim. Pinutol ko ang
komunikasyon ko sa mga taong pweding mag-ugnay sa akin kay Rj at katulad ng
sabi nila, time can heal you wounds but the scars will always be there. Sa
pag-alis n Rj ay nalaman kong may souvenir pala siyang naiwan sa akin.
“It will be
you and me baby. Tayong dalawa nalang.” Pinunasan ko ang huling luha na pumatak
sa aking mata para kay Rj. Ito na ang huli.
Lahat ng
pagkakamali ko noon, hindi ko na maitatama pa. Kahit na itinuturing kong regalo
ang batang ito ay hindi pa rin maalis sa akin ang pagsisising nararamdaman ko.
Siguro nga kung naghintay ako buo pa sana ako ngayon para sa taong nakatadhana
sa akin. Muli ay hinihiling ko nanaman na sana may time machine ako pero hindi
na para pumunta sa future para hanapin si Mr. Right, kundi para bumalik sa
nakaraan at hintayin ang pagdating niya sa buhay ko.
Madalas kasi
sa buhay natin ay nagmamadali tayo. Nagmamadali tayong tumanda pero once na
tumanda tayo, hihilingin natin na sana bumalik nalang tayo sa pagkabata para
naman naenjoy natin kung gaano iyon kasaya.
Time is
free, but it’s priceless. You can’t own it, but you can spend it. Once you’ve
lose it, you can NEVER get it back. Kaya naman laking pagsisisi ko na ginugol
ko ang oras ko sa paghahanap ko kay Mr. Right ko. Nawalan ako ng matalik na
kaibigan at hindi ko nagawang pahalagahan ang pagmamahal na ibinibigay ng mga
kaaibigan ko sa akin sa loob ng maraming taon dahil abala ako sa paghanap ng
pagmamahal na hindi ko mahintay.
Be Your Numer Two
Alam mo ba kung paano makakalimutan ang dati
mong minahal? You need to find a new love. If that new love is true, then
magiging bahagi na lamang ng iyong nakaraan ang dati mong pag-ibig. Pero hindi
naman ibig sabihin na kaya ka natututong magmahal ng bago dahil nakalimutan mo
na ang taong una mong minahal. It’s just that, nagmahal ka ng bago kaya
natutunan mong kalimutan ang nararamdaman mo sa taong una mong minahal. Only
love can heal a heart that was hurt by love.
Napatingin ako sa babaeng bigla nalang
pumasok. Nakangiti siya habang binabati ang mga kakilala niya dito pero
nakikita ko sa mga mata niya na hindi naman siya ganoon kasaya. Napangisi
nalang ako. Kaya ako ayokong mainlove dahil para sa akin walang kwenta ang
salitang iyon.
“Andito nanaman pala si Jana. Mukhang
hinihintay nanaman niya ang asawa niya ah?” napatingin ako sa bestfriend kong
si Mark. Magkakasama kami ngayong magbabarkada sa isang fast food chain na
madalas naming tambayan. Summer break na namin kaya naman kahit anong oras ay
gumigimik kami.
“Sino ba yan?” tanong ko sa kanya.
“Ah si Jana Tanga!” at nagtawanan silang
lahat. Napailing nalang ako at pinagmasdan yung babaeng tinatawag nilang Jana.
Tahimik lang siyang naghihintay doon pero napakunot ang noo ko ng makita ko ang
isang pasa sa may braso niya. Tinakpan niya iyon kaya napatingin ako sa kanya
na nahuli pala akong tinitignan siya. Ibinaling ko nalang ulit ang atensyon ko
sa mga barkada ko na nagkakatuwaan.
“Matanda lang yan ng dalawang taon sa atin
pare. Nabuntis ng asawa niya kaya pinakasalan.” Paliwanag sa akin ni Mark.
“Sige pare!” nagpaalam na kaming lahat sa
isa’t isat. Kasabay ko si Mark sa pag-uwi dahil magkalapit lang naman ang bahay
namin. Habang naglalakad kami ay may napansin akong babae na nakatayo sa may
puno. Napahinto ako at tinignan iyon. Si Jana.
“Mark mauna ka na sa akin!” sigaw ko at
tumakbo papalapit kay Jana. Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Mark. Palapit
na ako sa kanya at napansin kong namumula ang mukha niya. Marahil dahil na rin
sa init ng araw. Bago ko siya puntahan ay pumasok ako sa isang convenience
store para bilhan siya ng tubig.
“Oh” napatingin siya sa akin ng iabot ko sa
kanya ang tubig. Nag-iwas ako ng tingin. Ano
ba kasi sa tingin mo ang ginagawa mo? At kailan ka pa natutong nakialam sa
babae? Sabi ng isang bahagi ng isip ko.
“Salamat.”
“Hanggang ngayon ba hinihintay mo pa ang asawa
mo?” tanong ko. Mapait na napangiti lang siya sa akin.
“Kapag mahal mo ang isang tao, kahit ano
gagawin mo para lang sa kanya. Lahat sila sinasabihan na ang tanga ko daw pero
wala akong pakialam. Ganun naman talaga kapag nagmahal ka diba? Handa kang
maging tanga?” tumingin siya sa mata ko. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na
lamang tumibok ng mabilis ang puso ko at para bang siya lang ang nakikita ko.
“I’ve never been in love. At hinding hindi ako
maiinlove.”
“Wag kang magsalita ng tapos. Malay mo,
nagmamahal ka na pala hindi mo lang alam dahil lagi mong sinasabi sa sarili mo
na hinding hindi ka magmamahal.”
“Kung ganon, kasama ba sa pagmamahal na iyon
ang hayaan ka nalang na saktan ka hindi lang emosyonal kundi pati pisikal?”
napatingin siya sa akin. Nakatingin lang ako sa pasa niya na agad niyang
itinago. Pilit kong kinuha ang kamay at ganun nalang ang gulat ko ng makita ang
napakalaking pasa sa braso niya. Magsasalita pa sana siya ng may humintong
kotse sa harap namin.
“Jana!!!” sigaw nito. Mabilis namang kumawala
sa akin si Jana at sumakay sa kotse. Hindi tinted ang kotse kaya nakita ko kung
paano siya sampalin ng lalaking iyon na marahil ay asawa niya. Mabilis niyang
pinaharurot ang kotse at naiwan ako doon at nagiisip tungkol sa sinabi niya sa
akin.
“Wag kang
magsalita ng tapos. Malay mo, nagmamahal ka na pala hindi mo lang alam dahil
lagi mong sinasabi sa sarili mo na hinding hindi ka magmamahal.”
Buong gabi kong iniisip ang sinabi niya iyon.
Gusto kong alisin siya sa isip ko pero paulit-ulit kong naririnig ang boses
niya at dahil doon ay hindi na ako nakatulog pa. Bumaba na ako at nagulat pa si
Mama ng makitang maaga akong nagising. Hindi ko nalang siya pinansin at lumabas
ng bahay.
Naisipan kong maglakad-lakad muna. Masakit ang
ulo ko dahil wala akong kahit na anong tulog sa kakaisip sa sinabi sa akin ng
babaeng iyon. Iniisip ko rin kung ayos lang ba siya at baka kung ano na ang
ginawa sa kanya ng asawa niya.
“Arrghhh!!! Bakit ko ba siya iniisip?!!!”
Naupo nalang ako sa may malapit sa dagat. Pumulot ako ng bato at ibinato iyon
sa dagat.
“Hey!” napatingin ako sa nagsalita at nagulat
nalang ako ng makita ko si Jana.
“Malapit ka lang dito?” tanong niya habang
umuupo sa tabi ko. Tumango lang ako sa kanya.
“Jana” sabay lahad sa kamay niya. Tinignan ko
iyon. Imbes na makipagkamay sa kanya ay hinablot ko iyon at tinignan. Andun pa
rin ang pasa niya. Tinignan ko ang isang kamay niya, meron din pero maliit
lang. May sugat din siya sa gilid ng labi niya at namamaga ang kabilang pisngi
niya. Napabuntong hininga ako.
“Mahal mo nga siya para hayaan mo siyang
saktan ka ng ganyan.” Napangisi nalang ako sa kanya. Pumulot ako ng bato at
muling itinapon sa dagat.
“Masaya ka ba sa kanya?” tanong ko. Mapait na
ngumiti siya sa akin.
“Anong pangalan mo?” tanong niya.
“Liam”
“Ano ba ang ibig sabihin ng masaya para sayo
Liam?” napakurap ako. Ano nga ba ang ibig sabihin ng masaya? Yun ba yung kapag
may nadulas sa harap mo ay tatawanan mo? Yun ba yung kapag may nagjoke ay
tatawa ka?
“Hindi naman ibig sabihin na tumatawa ang
isang tao ay masaya siya.”
“Kung ganon hindi ka masaya sa kanya?”
“Natutuwa ako kapag nakikita ko silang
magkasama ng anak ko.”
“Hindi mo sinagot ang tanong ko.” Unti-unti ay
naglandas ang luha sa mata niya.
“We used to be happy. Pero simula ng mabuntis
niya ako at pinilit siyang ipakasal sa akin ay nakalimutan ko na kung paano ba
ang maging masaya. Ano bang pakiramdam noon?”
“Hindi ko din alam.” Buong buhay ko akala ko
masaya ako pero mali pala. Kontento lang ako pero hindi ako masaya dahil alam
kong may kulang. Iyon ba ang sinasabi ni Jana na pagmamahal?
“Bakit hindi tayo gumawa ng masasayang
alaala?” napatingin ako sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin kaya lalong bumilis
ang tibok ng puso ko. Lumapit ako sa kanya at mabilis na hinalikan siya sa
labi. Halata sa mukha niya ang gulat.
“I will make you feel the happiness that he
didn’t gave you.” Ngumiti siya sa akin at siya na mismo ang muling humalik sa
akin.
From that day, our love affair started. Sa
tuwing wala ang asawa niya ay pumupunta ako sa bahay nila at doon ay gumagawa
kami ng masasayang alaala. Sa loob ng isang buwan ay ganoon lang kami lagi. Ngayon
kasalukuyan siyang nagluluto habang nilalaro ko ang anak niyang si Julius.
Tuwang tuwa ako sa batang ito dahil parang male version siya ni Jana.
“Liam!” tawag niya sa akin. Wala nanaman ang
asawa niya at hindi din niya alam kung nasaan siya. Lumapit ako sa kanya at nakita
kong inaayos na niya ang hapag kainan.
“Tawagin mo na din si Julius at kumain na
tayo. Mag 7pm na din. Mamaya lang ay uuwi na si Darwin.” Tukoy niya sa asawa
niya. Lumapit naman ako sa kanya at niyakap siya mula sa likod. Napakunot ang
noo ko ng makita ang bagong pasa sa may braso niya.
“Liam.” Pigil niya sa kamay ko ng akmang
hahaplusin ko ang pasa niya
“Kailan mo siya iiwan?” tanong ko at isiniksik
ko nalamang ang mukha ko sa leeg niya.
“Alam mong hindi ko siya pwedeng iwan Liam.
Paano nalang si Julius?”
“I can be his father. Handa kong gawin iyon
iwan mo lang ang asawa mo. I love you Jana.” Nagulat siya sa sinabi ko. Maging
ako nagulat sa sinabi ko. Bigla nalang iyon lumabas sa bibig ko ng hindi ko
namamalaya. I love her.
Siguro tulad na rin ng sinabi niya noon,
nagmamahal na ako ng hindi ko nalalaman pero ngayon alam ko na mahal ko na
siya. Iniharap ko siya sa akin at hinalikan siya ng mariin sa labi. Hindi tulad
ng unang halik na pinagsaluhan namin noon, ngayon ay binuhos ko sa halik na ito
ang nararamdaman ko sa kanya.
“I love you.” ulit ko sa sinabi ko. Ngumiti
lang siya sa akin.
“Hiwalayan mo siya Jana. Hindi ka niya mahal.”
“Pero mahal ko siya.” nakaramdam ako ng sakit
sa sinabi niya. Ako na ang kasama niya araw-araw at hindi tulad noong una ko
siyang nakita, nakikita ko sa mga mata niya na totoong masaya siya. We found
the true meaning of happiness in each other pero ang lalaking iyon pa rin ang
pipiliin niya?
“Ako? Ano ba ang nararamdman mo para sa akin?
We kissed! And I can feel that you love me too!”
“I love you too Liam pero hindi iyon katulad
ng pagmamahal ko kay Darwin! Siya ang ama ng anak ko!” Hindi ko napigilan at binasag
ko ang basong nahagilap ko.
“Hindi porket siya ang ama ng anak mo ay mahal
mo na siya! Kung wala ba si Julius mamahalin mo pa rin siya?!!” natahimik siya
sa sinabi ko.
“Jana, si Julius lang naman ang dahilan kung
bakit nananatili ka sa relasyon ninyo. Kaya kong higitan ang ginagawa niya para
sa anak ninyo” napaiyak nalang siya.
“Natatakot ako. Natatakot ako na baka kapag
nakipaghiwalay ako sa kanya ay kunin niya sa akin si Julius.”
“Hindi ko hahayaang mangyari iyon.” Niyakap ko
siya ng mahigpit at hinayaan lang na umiyak siya sa dibdib ko.
“Sino yan?” biglang nanigas si Jana habang
yakap ko. Ako rin ay bigla nalang kinabahan. Kumalas siya sa akin at humarap sa
asawa niya.
“D-darwin?”
“Lalaki mo?” lumapit siya sa akin pero
pinigilan siya ni Jana. Dahil doon ay bigla nalang siyang itinulak dahilan
upang masaldak siya sa sahig.
“Jana!” akmang tutulungan ko siya pero
hinawakan ng asawa niya ang kwelyo ng damit ko.
“Umalis ka na bago magdilim ang paningin ko.”
tumingin ako kay Jana at tumango lang siya sa akin. Lumabas ako ng bahay nila
pero muling lumingon ng marinig ko ang sigaw ni Jana. Pupuntahan ko sana ulit
siya pero pinili kong umalis. Babalik ako at kukunin siya.
“Ang tanga mo kasi pare. Maiinlove ka nalang
sa may asawa at mas matanda pa sa atin. Pwede naman doon sa cheerleader sa
school natin na patay na patay sayo.” Nasa bahay si Mark at nasabi ko sa kanya
ang tungkol sa amin ni Jana.
“Baka naman naaawa ka lang sa kanya?” tinignan
ko lang siya ng masama.
“Alam ko ang pakiramdam ng awa at alam ko sa
sarili ko na hindi awa ang nararamdaman ko sa kanya. Mahal ko siya.” nagkibit
balikat nalang siya.
“Bagay kayong dalawa. Pareho kayong tanga.”
Napapailing nalang siya. Imbes na mainis ay napangiti nalang ako sa sinabi
niya.
“Malapit na ang pasukan. Anong balak mo?”
napaisip naman ako. Sa oras na hiwalayan ni Jana si Darwin gusto kong pakasalan
agad siya.
“Hindi na siguro ako papasok ngayong darating
na pasukan. Maghahanap nalang ako ng trabaho.” Mahina akong sinuntok ni Mark.
“Tanga talaga!” natawa nalang ako sa kanya.
“I filed an annulment.” Nagulat ako sa sinabi
niya. Nandito kami ulit sa bahay nila. Wala si Julius dahil dinala daw siya ni
Darwin para ipasyal. Nakaupo lang kami sa may couch habang nakabukas ang tv.
Siya nanunuod habang ako ay nakadantay lang sa balikat niya at nakapikit.
“Talaga?” hindi makapaniwalang sagot ko.
Tumango lang siya sa akin kaya naman nayakap ko nalang siya ng mahigpit.
“I love you! Sisiguraduhin ko na hindi mo
pagsisisihan ang ginawa mo. Maghahanap ako ng trabaho para sa inyo ni Julius.”
Humiwalay siya sa akin at tinignan ako na nakakunot ang noo.
“Paano ang pag-aaral mo?”
“Mahalaga pa ba yun? Titigil na ako sa
pag-aaral para makapagtrabaho na ako.”
“No. Hindi ka titigil. Mag-aaral ka pa rin.
Ako ang bahala sa anak ko.” hindi na ako nakatutol dahil nakita ko ang
determinasyon sa mga mata niya.
Niyakap ko nalang siya pero napatingin ako sa
legs niya. Nakapalda siya pero dahil sa pagkakaupo ay umangat ang palda niya at
nakakita nanaman ako doon ng pasa. Hinaplos ko iyon.
“Liam.”
“Sinaktan ka nanaman niya.” nasabi ko nalang.
Hinarap niya ako sa kanya at marahan niya akong hinalikan sa labi.
“This will be the last.” Sabi niya sa akin.
Ngumiti naman ako sa kanya. Hinalikan ko ang gilid ng labi niya na may sugat.
Hinalikan ko rin ang braso niya na may pasa pero paalis na at ang legs niya na
may bagong pasa.
“I will kiss away the pain that he always give
you.” hinalikan ko siya sa labi ng mariin. Yumakap naman siya sa leeg ko kaya
binuhat ko siya para kandungin at lumalim pa ang halik namin.
“I love you.”
“I love you too” ito ang pinakamasayang
pakiramdam sa lahat. Ang mahalin ka ng taong mahal mo rin ng lubos. Hinapit ko
pa siya palapit sa akin at bumaba ang halik ko sa leeg niya.
“L-liam” nahihirapang sambit niya sa pangalan
ko. Pinasok ko ang kamay ko sa loob ng blouse niya at hinaplos ang likod niya.
“Room” sambit niya. Tumayo ako at binuhat siya
pataas sa kwart. Agad ko siya dinaganan ng maihiga ko siya sa kama.
“I love you Jana” hindi siya nakapagsalita at
tanging ungol lang ang naisagot niya ng pisilin ko ang dibdib niya.
“Mga walang hiya!!!” napabangon kami ni Jana.
Doon nakita namin si Darwin na halos umusok sa galit. Dali-dali akong tumayo at
nagbihis. Ganun din ang ginawa ni Jana.
“D-darwin” malakas siyang sinampal ni Darwin.
Hindi lang isang beses.
“Tama na!” hinablot ko si Jana at mahigpit na niyakap.
“Hindi na kayo nahiya? Dito pa talaga? Ha
Jana? Malandi kang talaga!!!” akmang kukunin nanaman niya sa akin Jana kaya
naman mabilis ko siya sinuntok dahilan para matumba siya.
“Matagal ko ng gustong gawin yan pero dahil
kay Jana hindi ko ginawa! Kulang pa yan sa pananakit mo sa kanya!” tumayo siya
at ngumisi lang habang pinupunasan ang gilid ng labi niya.
“Kaya ba nakikipaghiwalay ka sa akin dahil sa
lalaking ito?!!” sigaw niya at sinuntok nanaman ako.
“Tama na!” iyak ni Jana. Nakarinig din kami ng
malakas na iyak mula sa may pinto.
“Mama!” iyak ni Julius at akmang pupunta kay
Jana pero mabilis siyang kinuha ni Darwin.
“You will never see your child again.”
“No!!!” iyak ni Jana at hinabol sila palabas
ng bahay. Sumunod ako. Pilit kong kinukuha si Julius mula kay Darwi pero hindi
ko nagawa hanggang sa mawala nalan sila sa paningin namin.
“Liam, ang anak ko.” iyak lang ng iyak si
Jana. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang uncle ko.
Sinamahan nila kami ng mga pulis na kasama
namin upang hanapin sina Darwin at Julius. Isang attourney ang uncle ko kaya
naman sa kanya ako nagpatulong. Dahil tatlong taong gulang palang si Julius ay
sinabi niyang mas may karapatan si Jana sa kanya. Nagsampa rin ng kaso si Jana
laban kay Darwin.
“We will find them.” Bulong ko sa kanya at
hinalikan siya sa noo.
Hindi naman ako nagkamali at nahanap namin
sila agad. Nakulong si Darwin at dahil na rin sa pananakit niya kay Jana noon
ay mas napadali ang pagpapa-annul sa kasal nilang dalawa.
Ngayon ay siya ang kasama kong umakyat sa
stage at kinuha ang diploma ko. Nakatapos na ako ng pag-aaral at pagkatapos ng
tatlong buwan ay mapapasaakin na rin ang babaeng bukod tanging minahal ko. She
will be mine forever.
I never believed in love pero ng makilala ko
siya, pinatunayan niya na totoo ang pagmamahal na iyon. They say first love
never dies. Si Darwin ang first love ni Jana pero just like Romeo to Juliet,
ako ang great love niya. She learn to love me kaya naman naging bahagi na
lamang ng nakaraan niya si Darwin.
I was her number two pero wala akong pakialam
noon dahil kasama ko naman ang babaeng mahal ko. katulad ng sinabi niya noon,
minsan nagmamahal ka na hindi mo pa alam at kapag nalaman mo na mahal mo na ang
isang tao, gagawin mo ang lahat para sa kanya kahit pa ang maging tanga.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)


