His Heart

Dear I don’t know,
Another day passed but still, here I am, hoping that someone will donate a heart for me. Someone will let me survive this pain. Pero hindi ko alam kung dapat akong sumaya sa oras na may magdonate sa akin. Pakiramdam ko ay parang inalisan ko siya ng pag-asa na mabuhay.

Ipinasok ko na ang sulat sa loob ng sobre at inihulog sa mailbox sa tapat ng matandang bahay. Naisip ko kasi na baka pwede kong idaan nalang sa sulat ang mga reklamo ko sa buhay. Noong una ay basta nalang ako naghuhulog doon at walang pake kung may kumuha man sa mga sulat ko pero noong nacurious ako ay binuksan ko ang mailbox at nagulat nalang ako na wala ng laman iyon kung hindi ang nag-iisang sobre. Binasa ko ang likod niya at nagulat nalang ako sa nakasulat.

From: You don’t know

Walang pagdadalawang isip na binuksan ko ang sobre.

For someone who keeps on sending letter to this mailbox, 
I don’t know you, but I know someone that has the same disease as you. She’s a very strong, smart and a very beautiful woman that I love very much. 

It’s not bad to hope that someone will donate a heart for you and don’t say na inaalisan mo ng pag-asa ang tao na iyon para mabuhay. Donating his/her heart only means one thing, gusto niyang manatili itong tumitibok hindi man para sa taong mahal niya at least para sa taong mahal ng pinagdonatan niya.

Napangiti ako kaya naman simula noon ay nagsimula na kaming magsulatan. Nalaman ko rin na sa Lola pala niya ang bahay na iyon at sa tuwing weekends lamang siya nagpupunta sa lugar iyon. Tuwing weekends nasa ospital ako nagstay para sa mga gamot na kailangan nilang iturok sa akin.

Dear I don’t know, 
It’s been a long time na nagsusulatan tayo but I still don’t know your name. My name is Autumn and it’s nice to have a friend like you kahit na hindi pa naman kita nakikita.

“So isa palang magandang babae ang naghuhulog ng sobre na may lamang sulat dito?” napalingon ako sa taong biglang nagsalita. Pamilyar ang mukha niya, para bang nakita ko na siya.  

“I’m Marcus yung kasulatan mo. You’re Autumn right?” Maluwag siyang ngumiti sa akin. Napahawak ako sa puso ko dahil naramdaman ko ang biglang pagbilis ng tibok noon. Lumapit siya sa akin.  

“Are you okay?” Napatingin ako sa mga mata niya. Pamilyar talaga siya.  

“Marco.” Napalayo siya sa akin. Napailing nalang ako. Bakit ba bigla nalang lumabas sa bibig ko ang pangalan ng walang kwentang tao na iyon? Muli akong napatingin sa taong kaharap ko, bakas ang gulat sa mukha niya.

“Sorry, you look like someone I know.” Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi niya.

“Tammy?!” biglang naging blangko ang expression ko. Ibig sabihin ba nito ay tama ang hinala ko?  

“I’ve been looking for you! Dito lang pala ulit kita makikita?” napatigil siya ng makita ang walang ekspresyon ko na mukha.  

“Tapos ka na ba?”  

“Tammy?”  

“Hinanap mo ako? Kabaliwan yan Marcus. Sabi mo dalawang taon ka lang mawawala dahil tatapusin mo lang ang pag-aaral mo pero yung dalawang taon mo naging walong taon! Naghintay ako ng walong taon pero walang Marcus na nagpakita sa akin! Ngayon magpapakita ka sa akin kung kailan huminto na ako sa paghihintay sayo?”  

“Kinailangan ako ng company ni Dad kaya naman nagtagal pa kami doon ng another 3 years. I emailed you about that. Na kailangan ako ni Dad sa company pero wala akong natanggap na reply. Kaya naman hinanap kita pero wala ka na sa dati niyong bahay.”  

“It’s because of my sickness you idiot! Apat na taon pagkatapos mong umalis lumala lamang ang sakit ko kaya naman naisipan nina Mom na lumipat na muna sa Manila para doon ako ipagamot.”  

“I’m sorry.”akmang yayakapin niya muli ako pero tumakbo na ako palayo sa kanya. Ayoko na siyang makita. Kinalimutan ko na siya tapos babalik nanaman siya? Umiiyak lang ako habang nakasakay sa taxi. Nakahawak na rin ako sa dibdib ko dahil sa nahihirapan na akong huminga.  

“Ayos ka lang miss?” tanong niya sa akin pero hindi na ako makasagot dahil ramdam ko na rin ang panlalabo ng paningin ko hanggang sa magdilim na ang buong paligid.

Puting kisame ang una kong makita ng idilat ko ang mga mata ko kaya naman muli nalang akong pumikit. Nandito nanaman ako sa lugar na pinakaaayawan ko.  

“Tammy.” Muli akong napadilat ng marinig ko ang boses na iyon. Nilingon ko siya at hindi nga ako nagkamali.  

“Okay ka lang ba?” tanong niya sa akin pero nakatitig lang ako sa kanya.  

“Bakit ka pa nandito? Anong ginagawa mo dito?”  

“Sinundan kita. And nagtaka nalang ako ng dalhin ka ng taxi driver mo sa ospital na ito kaya naman agad kitang sinundan dito.” Umupo na ako na inalalayan naman niya pero agad kong tinabig ang kamay niya at kusang umupo.  

“Pwede ka ng umalis.” Pagtataboy ko sa kanya. Napabuntong hininga nalang siya at naglakad na patungo sa pintuan pero agad siyang huminto at muli akong hinarap.  

“Before I leave, I just want to tell you that no matter how far I was, how long that I’m not with you, you were always in my mind and my heart. I never stopped loving you for the past 8 years Autumn.” Lumabas na siya sa pintuan habang ako naman ay naiwang nasasaktan. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko upang pakalmahin ang nararamdaman kong sakit hanggang sa mapadako ang tingin ko sa isang box sa may side table ko. Kinuha ko iyon at laking gulat ko na lamang ng makitang ang daming laman na sobre noon.  

Dear Autumn, 
Tammy, hindi ka nagrereply sa mga email ko sayo, hindi ka na rin nag-oonline sa skype kaya naman naisip ko na sulatan nalang kita. Old way ba? Okay lang yan, umaasa lang ako na baka sakaling sumagot ka kung idaan kita sa old way na to.  

Dear Autumn, 
I waited for a year pero hindi ka man lang nagreply sa unang sulat ko sayo. Bakit pakiramdam ko unti-unti ka ng nawawala sa akin. Please Autumn, sagutin mo naman ang mga emails at sulat ko.  

Dear Autumn, 
I emailed you na matatagalan pa bago ako muling makabalik, mukhang hindi ko matutupad yung 2 years dahil kinailangan ako ng Daddy sa company. Hindi ka naman nagreply sa email ko so I decided to write again.  

Dear Autumn, 
I miss you. I miss you. I miss you. I miss you. I miss you. I miss you. I miss you. I miss you. I miss you. I miss you. I miss you. I miss you. I miss you. I miss you. I miss you. I miss you. I miss you. I miss you. I miss you  
Tuluyan akong napaiyak sa sulat niya na iyon. Puro I miss you lang ang nakasulat sa buong bond paper at sulat kamay niya pa.  

Dear Autumn, 
You are driving me insane. Naiinis na ako. Ilang taon mo na akong binabaliwala. Hindi mo na ba ako mahal? Kase ako, ikaw pa rin. I was looking for you everywhere pero hindi na kita makita. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Mahal kita Autumn. Where are you?  

Nagulat ako ng magpasukan ang mga doktor at nurses sa loob ng room ko.  

“Be ready Ms. Autumn. May nakita na kaming heart donor para sa iyo at ngayon na mismo ang operasyon mo.” Nakangiting sabi sa akin ng doktor kaya naman napangiti na rin ako. At last!    

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Doon nakita ko ang umiiyak na si Mommy na kausap ang doktor habang nakatunggo lamang si Daddy sa isang sulok. Bakit parang hindi masaya si Daddy?  

“Dad?” tumingin siya sa akin at agad akong nilapitan. Maging si mommy ay lumapit na rin sa akin. Umiiyak na si Mommy pero bakit pakiramdam ko hindi iyon iyak dahil masaya siya. Hindi ba naging successful ang operation?  

“What’s wrong Mom?” sinenyasan naman niya na si Dad nalang ang magsabi dito. Bigla ay kinabahan ako.  

“The doktor said successful naman ang naging operation mo.”  

“Then what’s the problem?”  

“It’s Marcus anak. Siya ang naging donor mo.” Nagsimulang pumatak ang mga luha ko.  

“He died last August 8 dahil sa car accident ng malaman niya kung nasaan ka.” Lalo akong napahagulgol sa sinabi niya. August 8? Fuck! Yun din ang araw ng simulan niyang sagutin ang mga sulat ko sa mailbox na iyon! Niyakap nalang ako nina Mom at pilit akong pinapatahan dahil makakasama daw ito sakin pero wala na akong pakialam! May iniabot sa akin kulay asul na sobre si Mom.  

From You don’t know: 
I told you, kung may magdonate man sa iyo, ibig sabihin gusto nilang manatiling tumitibok ang puso niya. That’s what I want. I want to keep my heart beating for you that’s how much I love you.

Happiness

"Kapag nawala siya sayo, malalaman mo kung gaano siya kahalaga sa buhay mo."
Yan ang madalas nilang sabihin. Ganoon ba talaga dapat? Hihintayin mo munang mawala siya sayo bago mo siya bigyan ng halaga. Madalas kasi lingon tayo ng lingon sa kakahanap pero hindi natin alam nasa harap lang pala natin ang hinahanap natin. Minsan kailangan mo lang tumingin sa harap mo para mahanap mo ang kasiyahan mo. You won't find your happiness in your past or in the future. You just have to live in the present and your happiness will come to you.


First Step

Galit. Isang patunay na may epekto pa rin siya sayo. Isang patunay na nasasaktan ka pa rin para sa kanya. Isang patunay na mahal mo pa rin siya. Hangga't na riyan ang galit sa puso mo, kailanman ay hindi ka magiging masaya. Hangga't hindi ka nakakawala sa nakaraan, kailanman ay hindi ka makukuntento sa kasalukuyan. The first step to moving on is to forgive. Alisin mo ang galit sa puso mo dahil iyon ang unang hakbang para makawala ka sa sakit ng nakaraan mo.


Minor na Feeling Major Subject

I'm sure lahat ng estudyante dito makakarelate dito.
Naranasan niyo naman na siguro yung mga minor subjects natin na kung makapagbigay ng requirements eh tinalbugan pa ang mga major subjects natin? I'm a graduating student at kasalukuyan kong nararanasan iyon ngayon. As is at this moment. Sa dami ng requirement na pinapapasa ng kaisa-isang minor subject ko eh nahiya naman daw ang mga majors ko na wala naman pinapapasa na kahit ano maliban nalang sa mga assignments namin.

Yung tipong saturday and sunday na lang nga yung break mo sa mga school works na gagawin pero heto ako, nakaharap sa laptop at ginagawa ang written report namin tungkol sa mga lugar na pinuntahan namin na kailangan naming isubmit bukas. Nakakaloka lang talaga dahil maliban sa writter report ay mayroon pa kaming ipapasa sa iba. Kainis! Feeling major!

Mr. Right

Hi Mr. Right kailan ka ba darating?Alam mo ba yung yung feeling na may kasabay kang couple sa jeep at wala silang ginawa kung hindi ang magswwet-sweetan sa harapan or tabi mo.Kainislangdiba?Taposmaiisipmonalang,"ako kaya, kailan makakahanap ng lalaking masasandalan  ko pag inaantok na ako sa jeep? Mr. Right asaan ka na ba? Sana naman gwapo ka since pa-VIP ang peg mo.

Time Machine


Kailan ba darating si Mr. Right?
Yan ang madalas itanong ng lahat pero tulad nga ng sabi nila, darating siya kung kailan hindi mo inaasahan. Kung kailan ka hindi ready. Basta ang kailangan mo lamg gawin ay maghintay. Pero paano kung hindi mo nagawa ang bagay na iyon? Paano kung hindi ka naghintay? Paano kung kailan dumating na ang Mr. Right mo e hindi ka na pwede? Anong gagawin mo?


Natawa ako sa kanya ng bigla nalang niya akong hilain papasok sa kwarto niya pero laking gulat ko ng siilin niya ako ng mariin na halik. Nalalasahan ko ang alak mula sa kanya at hindi rin ito katulad ng halik na ibinibigay niya sa akin. May pag-iingat at ramdam ko ang pagmamahal sabtuwing hinahalikan niya ako noon pero itong halik na ito ay marahas at mapusok.

Pilit ko siyang itinutulak palayo sa akin pero lalo niya lang akong inilalapit sa kanyahanggang sa maramdaman ko nalang na hiniga na niya ako sa kama.

"Mark.." Tawag ko sa kanya na parang nakikiusap pero para bang wala siyang narinig.

Buong lakas na itinulak ko siya pero hindi siya humiwalay sa akin at nanatili lang nakapatong habang pinagsasawa niya ang sarili na halikan ang leeg ko. Nang marinig ko ang pagkapunit ng blouse ko ay noon na tuliyang naglandas ang luha mula sa mga mata ko. At marahil ay narinig niya ang mahihinang hikbi na kumakawala sa aking labi kaya naman napatigil siya.

"Ina" tawag niya pero niyakap ko lang ang sarili ko. I can't fucking believe na muntik na akong marape ng boyfriend ko!

"I'm sorry" pagkasabi niya noon ay nilabas ko na ang sakit at hinanakit na nararamdaman ko para sa kanya. Gad! All those months na magkasama kami ay ito lang ba talaga ang gusto niya?


"Sex lang ang habol sayo ng gagong yon" isang araw na sabi sa akin ng bestfriend ko na si Tina. Naikwento ko sa kanya ang nangyari samin boyfriend ko na ngayon ay ex ko nalang.

"Ang problema kasi sayo best, sa mga lalaki mo hinahanap ang pagmamahal na gusto mo. Nandito kami ng mga kaibigan mo na mahal na mahal ka naman at hindi ka iiwan katulad ng ginawa sayo ng mga lalaking dumadaan sa buhay mo."

Napabuntong hininga nalang ako. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit hindi magising-gising sa mga payo ng mga kaibigan kong ito. Mahal ko naman sila at kapag sila na ang nawala sa buhay ko, hindi ko talaga kakayanin at baka magpakamatay nalang ako.

Katulad ng iba, ay hindi nanaman kami nagtagal ni Mark. Lagi namang ganito. Ang bilis bilis kong mafall sa isang tao kaya naman lagi nalang akong nasasaktan. Bakit ba kasi ang tagal dumating ng Mr. Right ko at laging si Mr. Wrong nalang ang nakikita ko? Hindi ba pweding magpakita na siya agad kasi baka sa oras na dumating siya sumuko na ako at takot na akong magmahal pa.


To: Lian
Pahingi naman ako ng katext Lian.

Yan ang text ko isang araw sa isa rin sa mga kaibigan ko. Actually lima kami sa grupo. Ako, si Lian, Tina, Marian at Ezza.

From: Lian
Eto. 09*********

Bago ko tinext to ay tinanong ko muna si Lian kung mabait ba at nalaman ko rin na kaklase pala niya ito. Base sa paglalarawan niya ay mukhang okay naman siya kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na itext siya.

To: Rj
Hi

Dahil sa simpleng text message ko na iyon, nagkaroon ako ng panibagong kaibigan. Nagkaroon ako ng panibagong kakampi at nagkaroon ako ng panibago kong mamahalin. Eto nanaman ako. Sumusugal nanaman sa lintik na pag-ibig na walang kasiguraduhan kung maipapanalo ko ba.


"Natatakot ako." Isang araw na nasabi ko sa kanya noong lumabas kami.

"Saan naman?" Tanong ni Reiji sa akin.

"Natatakot ako na mahulog nanaman sa maling tao. Rj ganun kasi ako. Mabilis akong mahulog sa isang tao at sa palagay ko nahuhulog na ako sayo." Napahawak ako sa dibdib ko. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Nakatingin lang siya sa mata ko pero laking gulat ko ng hilain niya ako palapit sa kanya at siilin ng matamis na halik. Hindi katulad ng marahas at mapusok na halik ni Mark. Ang sa kanya ay dahan-dahan at para bang nilalasap ang bawat segundo na magkalapat ang aming mga labi. At hindi katulad sa tuwing hinahalikan ako ni Mark, naramdaman ko ang tila mumunting paru-paro na lumilipad sa aking tiyan.

Kasabay ng pagkabuo ng magandang relasyon namin ni Rj, hindi ko namamalayan na unti-unti na palang nabubuwag ang relasyon naming magkakaibigan ng dahil sa mga kagagawan ko.


"Best pasama na kasi sa Florida. Kahit kayo lang ni Lian. Palaging busy sina Marian at Ezza e." Pakiusap ko kay Tina. Ngayon kasi ang kaarawan ni Rj at dahil doon naman nag-aaral si Tina ay umaasa ako na sasamahan niya ako at hindi naman ako nabigo dahil sinamahan nga nila akong dalawa ni Lian na puntahan siya.

"Rj!" Agad ko siyang niyakap ng makita ko siya. Nakita ko naman na tinanguan niya si Lian dahil nga magkakilala silang dalawa.

"Best pweding iwan niyo muna kaming dalawa?" Nakangiting sabi ko sa kanila pero nawala iyon ng makita ko ang pagrehistro ng inis sa mukha ni Tina. Si Lian din ay nanahimik. Kilala ko si Tina kapag galit siya at alam ko na galit siya ngayon.

"Okay" yun lang sabi ni Tina pagkatapos ay hinila na si Lian paalis. Mali ba ang ginawa ko? Gusto ko lang naman kasing magkaroon ng quality time kasama ni Rj dahil hindi kami ganoon kadalas magkita dahil sa sobrang busy niya.

Dahil sa pangyayaring yun, palagay ko ay nagkaroon kami ng silent war sa pagitan namin ni Tina. Sa tuwing pupuntahan ko si Rj, hindi na ako muling nagpapasama sa kanya. Kay Lian nalang ako nagpapasama tutal ay magkakilala at magkaklase naman sila ni Rj.

Akala ko noong una ay magiging maayos ang lahat sa aming dalawa ni Rj pero dahil sa konting time na naibibigay niya sa akin, pakiramdam ko hindi ako ganoon kahalaga sa kanya. Kaya naman nagsimula akong magdemand ng maraming oras para sa kanya pero hindi ko akalain na sa pagkakamaling iyon ay mawawala ang isang napakagandang relasyon.


“Alam mong hindi ganun kadali iyon Ina! Masyado akong maraming ginagawa sa school at napakaraming plates na kailangan ko pang tapusin kaya sana naman intindihin mo iyon!”

“Pero konting oras lang naman ang hinihingi ko! Antagal na nating hindi nagkikit e.” kasalukuyan kaming magkausap sa phone at hinihiling ko lang naman na sana magkita kami kahit sandali lang dahil babalik na ako sa manila bukas.

“Pero hindi nga pwedi. Nagrarush na ako sa mga plates ko.”

“Lagi ka nalang plates! Plates!! Nakakainis na! Wala ka ng oras sa akin!”

“Hindi naman sa wala akong oras!” nanahimik nalang ako at tahimik na hinayaang maglandas ang luha sa mga mata ko.

“Maghiwalay nalang tayo.” Pakiramdam ko ay huminto ang oras ng sinabi niya sa akin ang mga salitang iyon. Gusto kong hilingin na sana nananaginip lang ako pero hindi dahil ramdam ko ang pagguhit ng sakit sa puso ko na para bang sinasaksak ito ng paulit-ulit.

“Ano ka ba? Hindi naman ito joke time kaya wag kang magbiro ng ganyan” pero wala akong narinig na sagot mula sa kabilang linya. Tanging buntong hininga nalang niya ang naririnig ko.

“Tulad ng sabi mo hindi to joke time. Maghiwalay nalang tayo.” Pagkasabi niya noon ay binaba na niya ang linya.

Kulang ang salitang masakit para ilarawan ag nararamdaman ko. Akala ko siya na ang Mr. Right ko pero mali nanaman ata ako. Hindi nanaman ata si Mr. Right ang minahal ko. Kung meron lang akong time machine, gusto kong pumunta sa future kung saan nakita ko na ang Mr. Right ko para hindi na ako masaktan ng paulit-ulit sa present ko.


“Hindi na ba talaga pwede? Rj!” pagkatapos ng pag-uusap namin sa phone na iyon ay niyaya niya akong manood ng sine. Akala ko okay na ulit kami pero nagkamali ako dahil nasa kalagitnaan ng palabas ng hilain niya ako at dalhin sa may malapit sa CR kung saan wala masyadong tao at doon niya sinabi sa akin na ito na ang huling pagkikita namin.

“Ina…”

“Please naman Rj” pagsusumamo ko sa kanya pero nag-iwas siya ng tingin sa akin. Pinigilan ko ang luhang nagbabadya nanamang pumatak.

“Pwedi ba akong humingi sayo ng huling regalo?” tinignan niya ako ng nakakunot ang noo. Kinuha ko ang kamay niya at doon sinabi ang hiling ko sa kanya. Halata ang gulat sa mukha niya. Pero ganun pa man ay hinila niya ako palapit sa kanya at hinalikan ako ng mariin sa labi. Ipinikit ko ang mata ko at nilasap ang bawat sandali na magkalapat ang mga labi namin.

“Are you sure?” matalim niya akong tinignan sa mga mata ko at hinila ako palabas sa sinehan na iyon.


“Pwedi bang manatili yung communication natin?” tanong ko sa kanya habang nagbibihis siya. Ang tanga ko ba para ito ang hilingin ko? Ang dahilan ng paghihiwalay namin ni Mark noon ang siyang huling kahilingan na hiningi ko sa kanya. Hindi siya sumagot at iniwan ako sa hotel na iyon.

Katulad ng hiniling ko ay nanatili ang komunikasyon naming dalawa. Kahit na nagkaroon siyang muli ng girlfriend ay nanatili ang komunikasyon namin. Pakiramdam ko na naging kabit niya pa ako. Bakit nga ba ako ganito Katanga pagdating sa pag-ibig? Handa kong ibigay ang lahat ng meron ako para lang sa taong minamahal ko. Naiinis ako sa sarili ko at alam ko naman na maging ang mga kaibigan ko ay naiinis na sa akin.


“R-rj” gulat na gulat ako ng isang araw ay puntahan niya ako dito sa tinutuluyan namin ng ate ko sa Manila. Napatingin ako sa bag na dala-dala niya.

“Can I stay here for a week?”

Hindi ko alam kung tama baa ng naging desisyon ko na hayaan siyang manatili dito ng isang linggo. Napag-alaman ko rin sa kanya na wala na sila ng girlfriend niya kaya naman nagkaroon ng kaunting saya sa puso ko. Pero ganun nalang ang sakit na bumalik dito ng makita ko ang profile picture niya sa facebook.

“Sino yung nasa prof pic mo?” minsang tanong ko sa kanya. Wala na si ate dahil pumasok na siya.

“Wala.” Mabilis na sagot niya pero agad nag-iwas ng tingin. Nakaramdamn ako ng galit para sa kanya pero nangibabaw pa rin ang pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko siya tinanong ulit kung sino ba ang babaeng kasama niya sa picture na iyon pero tinanong ko ang mga kakilala niya. Ganun nalang ang gulat ko ng malamang iyon pala ang first love niya.

“First love never dies.” Yan ang sabi ng ate ko ng sinabi ko sa kanya ang problema. Umiyak lang ako ng umiyak habang yakap yakap niya ako.

“Ina, matagal na kayong tapos. Dapat matagal mo na rin siyang kinalimutan. Nagkaroon siya ng girlfriend pagkatapos mo. Kung mahal ka talaga niya hindi siya magkakaroon ng girlfriend. At kung mahal ka talaga niya, wala na ang first love na iyon dahil ang true love lang ang may kakayahang makapagpalimot sa first love ng isang tao.”

“Pero mahal ko siya Ate. At hihintayin ko ang panahon na ako naman ulit ang pipiliin niya at ako naman ulit.” Hinaplos ni Ate ang pisngi ko.

“Tandaan mo ito Ina. You’re a choice not an option. Hindi porket wala na ang mga babae niya ay babalik na siya sayo. Hindi mo ba nakikita? Hindi siya para sayo.”

Pero kahit ilang payo pa ata ang makuha ko mula sa mga kaibigan at Ate ko ay wala pa ring mangyayari sa akin. Hahabulin at hahabulin ko pa rin si Rj. Siguro dahil na rin pinapakita pa rin ni Rj na interesado siya sa akin.


“Here” napatingin ako sa taong bigla nalang nag-abot ng panyo sa akin. Hindi ko siya kilala kaya naman hindi ko nalang pinansin pero nagulat ako ng umupo siya sa tabi ko siya mismo ang nagpunas sa mga luha ko.

“Para sa isang magandang babae, hindi ka dapat umiiyak.” Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

“Boy problem?” hindi ko pa rin siya pinansin aalis na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko at inilagay doon ang panyo niya.

“Kung ano man ang problema mo, mawawala din yan. Baka hindi mo alam, pagkatapos ng sakit na nararamdaman mo ang kasiyahang matagal mo ng hinihintay. Maghintay ka lang.”

“Anong pangalan mo?”  tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit gusto kong malaman ang pangalan niya pero may nagsasabi sa akin na dapat ko siyang makilala.

“Wright.” Ngumiti siya sa akin at hindi ko alam pero bakit ganun nalang ang naramdaman ko ng sabihin niya ang pangalan niya. Para bang matagal ko ng alam ang pangalan niya iyon. Na para bang nakatatak iyon sa puso ko.


“Aalis si Rj? Ang gawin mo bago man lang siya umalis ay pagbigyan mo ang sarili mo. Pakasaya ka kasama siya pero siguraduhin mo na kasabay ng pag-alis niya, kakalimutan mo siya at mawawala na siya sa buhay mo.” Yan ang sabi sa akin ng kaibigan kong si Ezza ng sabihin ko sa kanya ang tungkol sa pag-alis ni Rj.

“Pero pano ko naman gagawin iyon kung hindi ko nga siya macontact? Ni hindi nga niya sinasagot ang mga text ko e.”

“Ayun naman pala. Siya na mismo ang pumuputol sa relasyong meron kayo. Oras na Ina para tumigil ka na. Ina tandaan mo to, si Mr. Right mo, hindi yan hinahanap dahil siya mismo ang hahanap siya. Maghintay ka lang at dadating at dadating din ang taong iyon na kung saan ikaw ang choice niya at hindi isang option na tatakbuhan niya kapag wala na sila ng girlfriend niya.”

Ginawa ko ang sinabi niya. Nang umalis si Rj ay nagpalit ako ng sim. Pinutol ko ang komunikasyon ko sa mga taong pweding mag-ugnay sa akin kay Rj at katulad ng sabi nila, time can heal you wounds but the scars will always be there. Sa pag-alis n Rj ay nalaman kong may souvenir pala siyang naiwan sa akin.

“It will be you and me baby. Tayong dalawa nalang.” Pinunasan ko ang huling luha na pumatak sa aking mata para kay Rj. Ito na ang huli.

Lahat ng pagkakamali ko noon, hindi ko na maitatama pa. Kahit na itinuturing kong regalo ang batang ito ay hindi pa rin maalis sa akin ang pagsisising nararamdaman ko. Siguro nga kung naghintay ako buo pa sana ako ngayon para sa taong nakatadhana sa akin. Muli ay hinihiling ko nanaman na sana may time machine ako pero hindi na para pumunta sa future para hanapin si Mr. Right, kundi para bumalik sa nakaraan at hintayin ang pagdating niya sa buhay ko.

Madalas kasi sa buhay natin ay nagmamadali tayo. Nagmamadali tayong tumanda pero once na tumanda tayo, hihilingin natin na sana bumalik nalang tayo sa pagkabata para naman naenjoy natin kung gaano iyon kasaya.

Time is free, but it’s priceless. You can’t own it, but you can spend it. Once you’ve lose it, you can NEVER get it back. Kaya naman laking pagsisisi ko na ginugol ko ang oras ko sa paghahanap ko kay Mr. Right ko. Nawalan ako ng matalik na kaibigan at hindi ko nagawang pahalagahan ang pagmamahal na ibinibigay ng mga kaaibigan ko sa akin sa loob ng maraming taon dahil abala ako sa paghanap ng pagmamahal na hindi ko mahintay.


Be Your Numer Two

Alam mo ba kung paano makakalimutan ang dati mong minahal? You need to find a new love. If that new love is true, then magiging bahagi na lamang ng iyong nakaraan ang dati mong pag-ibig. Pero hindi naman ibig sabihin na kaya ka natututong magmahal ng bago dahil nakalimutan mo na ang taong una mong minahal. It’s just that, nagmahal ka ng bago kaya natutunan mong kalimutan ang nararamdaman mo sa taong una mong minahal. Only love can heal a heart that was hurt by love.


Napatingin ako sa babaeng bigla nalang pumasok. Nakangiti siya habang binabati ang mga kakilala niya dito pero nakikita ko sa mga mata niya na hindi naman siya ganoon kasaya. Napangisi nalang ako. Kaya ako ayokong mainlove dahil para sa akin walang kwenta ang salitang iyon.

“Andito nanaman pala si Jana. Mukhang hinihintay nanaman niya ang asawa niya ah?” napatingin ako sa bestfriend kong si Mark. Magkakasama kami ngayong magbabarkada sa isang fast food chain na madalas naming tambayan. Summer break na namin kaya naman kahit anong oras ay gumigimik kami.

“Sino ba yan?” tanong ko sa kanya.

“Ah si Jana Tanga!” at nagtawanan silang lahat. Napailing nalang ako at pinagmasdan yung babaeng tinatawag nilang Jana. Tahimik lang siyang naghihintay doon pero napakunot ang noo ko ng makita ko ang isang pasa sa may braso niya. Tinakpan niya iyon kaya napatingin ako sa kanya na nahuli pala akong tinitignan siya. Ibinaling ko nalang ulit ang atensyon ko sa mga barkada ko na nagkakatuwaan.

“Matanda lang yan ng dalawang taon sa atin pare. Nabuntis ng asawa niya kaya pinakasalan.” Paliwanag sa akin ni Mark.


“Sige pare!” nagpaalam na kaming lahat sa isa’t isat. Kasabay ko si Mark sa pag-uwi dahil magkalapit lang naman ang bahay namin. Habang naglalakad kami ay may napansin akong babae na nakatayo sa may puno. Napahinto ako at tinignan iyon. Si Jana.

“Mark mauna ka na sa akin!” sigaw ko at tumakbo papalapit kay Jana. Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Mark. Palapit na ako sa kanya at napansin kong namumula ang mukha niya. Marahil dahil na rin sa init ng araw. Bago ko siya puntahan ay pumasok ako sa isang convenience store para bilhan siya ng tubig.

“Oh” napatingin siya sa akin ng iabot ko sa kanya ang tubig. Nag-iwas ako ng tingin. Ano ba kasi sa tingin mo ang ginagawa mo? At kailan ka pa natutong nakialam sa babae? Sabi ng isang bahagi ng isip ko.

“Salamat.”

“Hanggang ngayon ba hinihintay mo pa ang asawa mo?” tanong ko. Mapait na napangiti lang siya sa akin.

“Kapag mahal mo ang isang tao, kahit ano gagawin mo para lang sa kanya. Lahat sila sinasabihan na ang tanga ko daw pero wala akong pakialam. Ganun naman talaga kapag nagmahal ka diba? Handa kang maging tanga?” tumingin siya sa mata ko. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lamang tumibok ng mabilis ang puso ko at para bang siya lang ang nakikita ko.

“I’ve never been in love. At hinding hindi ako maiinlove.”

“Wag kang magsalita ng tapos. Malay mo, nagmamahal ka na pala hindi mo lang alam dahil lagi mong sinasabi sa sarili mo na hinding hindi ka magmamahal.”

“Kung ganon, kasama ba sa pagmamahal na iyon ang hayaan ka nalang na saktan ka hindi lang emosyonal kundi pati pisikal?” napatingin siya sa akin. Nakatingin lang ako sa pasa niya na agad niyang itinago. Pilit kong kinuha ang kamay at ganun nalang ang gulat ko ng makita ang napakalaking pasa sa braso niya. Magsasalita pa sana siya ng may humintong kotse sa harap namin.

“Jana!!!” sigaw nito. Mabilis namang kumawala sa akin si Jana at sumakay sa kotse. Hindi tinted ang kotse kaya nakita ko kung paano siya sampalin ng lalaking iyon na marahil ay asawa niya. Mabilis niyang pinaharurot ang kotse at naiwan ako doon at nagiisip tungkol sa sinabi niya sa akin.

“Wag kang magsalita ng tapos. Malay mo, nagmamahal ka na pala hindi mo lang alam dahil lagi mong sinasabi sa sarili mo na hinding hindi ka magmamahal.”

Buong gabi kong iniisip ang sinabi niya iyon. Gusto kong alisin siya sa isip ko pero paulit-ulit kong naririnig ang boses niya at dahil doon ay hindi na ako nakatulog pa. Bumaba na ako at nagulat pa si Mama ng makitang maaga akong nagising. Hindi ko nalang siya pinansin at lumabas ng bahay.

Naisipan kong maglakad-lakad muna. Masakit ang ulo ko dahil wala akong kahit na anong tulog sa kakaisip sa sinabi sa akin ng babaeng iyon. Iniisip ko rin kung ayos lang ba siya at baka kung ano na ang ginawa sa kanya ng asawa niya.

“Arrghhh!!! Bakit ko ba siya iniisip?!!!” Naupo nalang ako sa may malapit sa dagat. Pumulot ako ng bato at ibinato iyon sa dagat.

“Hey!” napatingin ako sa nagsalita at nagulat nalang ako ng makita ko si Jana.

“Malapit ka lang dito?” tanong niya habang umuupo sa tabi ko. Tumango lang ako sa kanya.

“Jana” sabay lahad sa kamay niya. Tinignan ko iyon. Imbes na makipagkamay sa kanya ay hinablot ko iyon at tinignan. Andun pa rin ang pasa niya. Tinignan ko ang isang kamay niya, meron din pero maliit lang. May sugat din siya sa gilid ng labi niya at namamaga ang kabilang pisngi niya. Napabuntong hininga ako.

“Mahal mo nga siya para hayaan mo siyang saktan ka ng ganyan.” Napangisi nalang ako sa kanya. Pumulot ako ng bato at muling itinapon sa dagat.

“Masaya ka ba sa kanya?” tanong ko. Mapait na ngumiti siya sa akin.

“Anong pangalan mo?” tanong niya.

“Liam”

“Ano ba ang ibig sabihin ng masaya para sayo Liam?” napakurap ako. Ano nga ba ang ibig sabihin ng masaya? Yun ba yung kapag may nadulas sa harap mo ay tatawanan mo? Yun ba yung kapag may nagjoke ay tatawa ka?

“Hindi naman ibig sabihin na tumatawa ang isang tao ay masaya siya.”

“Kung ganon hindi ka masaya sa kanya?”

“Natutuwa ako kapag nakikita ko silang magkasama ng anak ko.”

“Hindi mo sinagot ang tanong ko.” Unti-unti ay naglandas ang luha sa mata niya.

“We used to be happy. Pero simula ng mabuntis niya ako at pinilit siyang ipakasal sa akin ay nakalimutan ko na kung paano ba ang maging masaya. Ano bang pakiramdam noon?”

“Hindi ko din alam.” Buong buhay ko akala ko masaya ako pero mali pala. Kontento lang ako pero hindi ako masaya dahil alam kong may kulang. Iyon ba ang sinasabi ni Jana na pagmamahal?

“Bakit hindi tayo gumawa ng masasayang alaala?” napatingin ako sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin kaya lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Lumapit ako sa kanya at mabilis na hinalikan siya sa labi. Halata sa mukha niya ang gulat.

“I will make you feel the happiness that he didn’t gave you.” Ngumiti siya sa akin at siya na mismo ang muling humalik sa akin.

From that day, our love affair started. Sa tuwing wala ang asawa niya ay pumupunta ako sa bahay nila at doon ay gumagawa kami ng masasayang alaala. Sa loob ng isang buwan ay ganoon lang kami lagi. Ngayon kasalukuyan siyang nagluluto habang nilalaro ko ang anak niyang si Julius. Tuwang tuwa ako sa batang ito dahil parang male version siya ni Jana.

“Liam!” tawag niya sa akin. Wala nanaman ang asawa niya at hindi din niya alam kung nasaan siya. Lumapit ako sa kanya at nakita kong inaayos na niya ang hapag kainan.

“Tawagin mo na din si Julius at kumain na tayo. Mag 7pm na din. Mamaya lang ay uuwi na si Darwin.” Tukoy niya sa asawa niya. Lumapit naman ako sa kanya at niyakap siya mula sa likod. Napakunot ang noo ko ng makita ang bagong pasa sa may braso niya.

“Liam.” Pigil niya sa kamay ko ng akmang hahaplusin ko ang pasa niya

“Kailan mo siya iiwan?” tanong ko at isiniksik ko nalamang ang mukha ko sa leeg niya.

“Alam mong hindi ko siya pwedeng iwan Liam. Paano nalang si Julius?”

“I can be his father. Handa kong gawin iyon iwan mo lang ang asawa mo. I love you Jana.” Nagulat siya sa sinabi ko. Maging ako nagulat sa sinabi ko. Bigla nalang iyon lumabas sa bibig ko ng hindi ko namamalaya. I love her.

Siguro tulad na rin ng sinabi niya noon, nagmamahal na ako ng hindi ko nalalaman pero ngayon alam ko na mahal ko na siya. Iniharap ko siya sa akin at hinalikan siya ng mariin sa labi. Hindi tulad ng unang halik na pinagsaluhan namin noon, ngayon ay binuhos ko sa halik na ito ang nararamdaman ko sa kanya.

“I love you.” ulit ko sa sinabi ko. Ngumiti lang siya sa akin.

“Hiwalayan mo siya Jana. Hindi ka niya mahal.”

“Pero mahal ko siya.” nakaramdam ako ng sakit sa sinabi niya. Ako na ang kasama niya araw-araw at hindi tulad noong una ko siyang nakita, nakikita ko sa mga mata niya na totoong masaya siya. We found the true meaning of happiness in each other pero ang lalaking iyon pa rin ang pipiliin niya?

“Ako? Ano ba ang nararamdman mo para sa akin? We kissed! And I can feel that you love me too!”

“I love you too Liam pero hindi iyon katulad ng pagmamahal ko kay Darwin! Siya ang ama ng anak ko!” Hindi ko napigilan at binasag ko ang basong nahagilap ko.

“Hindi porket siya ang ama ng anak mo ay mahal mo na siya! Kung wala ba si Julius mamahalin mo pa rin siya?!!” natahimik siya sa sinabi ko.

“Jana, si Julius lang naman ang dahilan kung bakit nananatili ka sa relasyon ninyo. Kaya kong higitan ang ginagawa niya para sa anak ninyo” napaiyak nalang siya.

“Natatakot ako. Natatakot ako na baka kapag nakipaghiwalay ako sa kanya ay kunin niya sa akin si Julius.”

“Hindi ko hahayaang mangyari iyon.” Niyakap ko siya ng mahigpit at hinayaan lang na umiyak siya sa dibdib ko.

“Sino yan?” biglang nanigas si Jana habang yakap ko. Ako rin ay bigla nalang kinabahan. Kumalas siya sa akin at humarap sa asawa niya.

“D-darwin?”

“Lalaki mo?” lumapit siya sa akin pero pinigilan siya ni Jana. Dahil doon ay bigla nalang siyang itinulak dahilan upang masaldak siya sa sahig.

“Jana!” akmang tutulungan ko siya pero hinawakan ng asawa niya ang kwelyo ng damit ko.

“Umalis ka na bago magdilim ang paningin ko.” tumingin ako kay Jana at tumango lang siya sa akin. Lumabas ako ng bahay nila pero muling lumingon ng marinig ko ang sigaw ni Jana. Pupuntahan ko sana ulit siya pero pinili kong umalis. Babalik ako at kukunin siya.


“Ang tanga mo kasi pare. Maiinlove ka nalang sa may asawa at mas matanda pa sa atin. Pwede naman doon sa cheerleader sa school natin na patay na patay sayo.” Nasa bahay si Mark at nasabi ko sa kanya ang tungkol sa amin ni Jana.

“Baka naman naaawa ka lang sa kanya?” tinignan ko lang siya ng masama.

“Alam ko ang pakiramdam ng awa at alam ko sa sarili ko na hindi awa ang nararamdaman ko sa kanya. Mahal ko siya.” nagkibit balikat nalang siya.

“Bagay kayong dalawa. Pareho kayong tanga.” Napapailing nalang siya. Imbes na mainis ay napangiti nalang ako sa sinabi niya.

“Malapit na ang pasukan. Anong balak mo?” napaisip naman ako. Sa oras na hiwalayan ni Jana si Darwin gusto kong pakasalan agad siya.

“Hindi na siguro ako papasok ngayong darating na pasukan. Maghahanap nalang ako ng trabaho.” Mahina akong sinuntok ni Mark.

“Tanga talaga!” natawa nalang ako sa kanya.


“I filed an annulment.” Nagulat ako sa sinabi niya. Nandito kami ulit sa bahay nila. Wala si Julius dahil dinala daw siya ni Darwin para ipasyal. Nakaupo lang kami sa may couch habang nakabukas ang tv. Siya nanunuod habang ako ay nakadantay lang sa balikat niya at nakapikit.

“Talaga?” hindi makapaniwalang sagot ko. Tumango lang siya sa akin kaya naman nayakap ko nalang siya ng mahigpit.

“I love you! Sisiguraduhin ko na hindi mo pagsisisihan ang ginawa mo. Maghahanap ako ng trabaho para sa inyo ni Julius.” Humiwalay siya sa akin at tinignan ako na nakakunot ang noo.

“Paano ang pag-aaral mo?”

“Mahalaga pa ba yun? Titigil na ako sa pag-aaral para makapagtrabaho na ako.”

“No. Hindi ka titigil. Mag-aaral ka pa rin. Ako ang bahala sa anak ko.” hindi na ako nakatutol dahil nakita ko ang determinasyon sa mga mata niya.

Niyakap ko nalang siya pero napatingin ako sa legs niya. Nakapalda siya pero dahil sa pagkakaupo ay umangat ang palda niya at nakakita nanaman ako doon ng pasa. Hinaplos ko iyon.

“Liam.”

“Sinaktan ka nanaman niya.” nasabi ko nalang. Hinarap niya ako sa kanya at marahan niya akong hinalikan sa labi.

“This will be the last.” Sabi niya sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya. Hinalikan ko ang gilid ng labi niya na may sugat. Hinalikan ko rin ang braso niya na may pasa pero paalis na at ang legs niya na may bagong pasa.

“I will kiss away the pain that he always give you.” hinalikan ko siya sa labi ng mariin. Yumakap naman siya sa leeg ko kaya binuhat ko siya para kandungin at lumalim pa ang halik namin.

“I love you.”

“I love you too” ito ang pinakamasayang pakiramdam sa lahat. Ang mahalin ka ng taong mahal mo rin ng lubos. Hinapit ko pa siya palapit sa akin at bumaba ang halik ko sa leeg niya.

“L-liam” nahihirapang sambit niya sa pangalan ko. Pinasok ko ang kamay ko sa loob ng blouse niya at hinaplos ang likod niya.

“Room” sambit niya. Tumayo ako at binuhat siya pataas sa kwart. Agad ko siya dinaganan ng maihiga ko siya sa kama.

“I love you Jana” hindi siya nakapagsalita at tanging ungol lang ang naisagot niya ng pisilin ko ang dibdib niya.


“Mga walang hiya!!!” napabangon kami ni Jana. Doon nakita namin si Darwin na halos umusok sa galit. Dali-dali akong tumayo at nagbihis. Ganun din ang ginawa ni Jana.

“D-darwin” malakas siyang sinampal ni Darwin. Hindi lang isang beses.

“Tama na!” hinablot ko si Jana at mahigpit na niyakap.

“Hindi na kayo nahiya? Dito pa talaga? Ha Jana? Malandi kang talaga!!!” akmang kukunin nanaman niya sa akin Jana kaya naman mabilis ko siya sinuntok dahilan para matumba siya.

“Matagal ko ng gustong gawin yan pero dahil kay Jana hindi ko ginawa! Kulang pa yan sa pananakit mo sa kanya!” tumayo siya at ngumisi lang habang pinupunasan ang gilid ng labi niya.

“Kaya ba nakikipaghiwalay ka sa akin dahil sa lalaking ito?!!” sigaw niya at sinuntok nanaman ako.

“Tama na!” iyak ni Jana. Nakarinig din kami ng malakas na iyak mula sa may pinto.

“Mama!” iyak ni Julius at akmang pupunta kay Jana pero mabilis siyang kinuha ni Darwin.

“You will never see your child again.”

“No!!!” iyak ni Jana at hinabol sila palabas ng bahay. Sumunod ako. Pilit kong kinukuha si Julius mula kay Darwi pero hindi ko nagawa hanggang sa mawala nalan sila sa paningin namin.

“Liam, ang anak ko.” iyak lang ng iyak si Jana. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang uncle ko.


Sinamahan nila kami ng mga pulis na kasama namin upang hanapin sina Darwin at Julius. Isang attourney ang uncle ko kaya naman sa kanya ako nagpatulong. Dahil tatlong taong gulang palang si Julius ay sinabi niyang mas may karapatan si Jana sa kanya. Nagsampa rin ng kaso si Jana laban kay Darwin.

“We will find them.” Bulong ko sa kanya at hinalikan siya sa noo.

Hindi naman ako nagkamali at nahanap namin sila agad. Nakulong si Darwin at dahil na rin sa pananakit niya kay Jana noon ay mas napadali ang pagpapa-annul sa kasal nilang dalawa.

Ngayon ay siya ang kasama kong umakyat sa stage at kinuha ang diploma ko. Nakatapos na ako ng pag-aaral at pagkatapos ng tatlong buwan ay mapapasaakin na rin ang babaeng bukod tanging minahal ko. She will be mine forever.

I never believed in love pero ng makilala ko siya, pinatunayan niya na totoo ang pagmamahal na iyon. They say first love never dies. Si Darwin ang first love ni Jana pero just like Romeo to Juliet, ako ang great love niya. She learn to love me kaya naman naging bahagi na lamang ng nakaraan niya si Darwin.

I was her number two pero wala akong pakialam noon dahil kasama ko naman ang babaeng mahal ko. katulad ng sinabi niya noon, minsan nagmamahal ka na hindi mo pa alam at kapag nalaman mo na mahal mo na ang isang tao, gagawin mo ang lahat para sa kanya kahit pa ang maging tanga.